SHOWING NA in more than a hundred cinemas nationwide ang independent drama-romance film na “My Letters to Happy“. Ito ay pinagbibidahan ng magagaling na aktor na sina TJ Trinidad at Glaiza de Castro under the direction of Pertee Brinas.
Base sa trailer ng pelikula, ito ay tungkol sa isang workaholic guy na nakahanap ng “happiness” at love sa piling ng isang bubbly girl named Happy (Glaiza de Castro). S’yempre, ang isang relasyon ay nagdadaan sa iba’t ibang phases at isa na rito ang depression.
Personally ay hindi pa namin napapanood ang pelikula ngunit trending na ito sa social media at marami ang nagsasabi na ‘close to home’ ang tema ng pelikula at makakatulong ito sa pag-raise ng awareness tungkol sa mental health.
Ayon kay @zaierandio: “After watching #MyLettersToHappy you’ll realize that you cannot be alone in this life. Some random person will come into your life and leave a purpose but whatever it is, you just have to be thankful that they came, whether they’re meant to stay or not.”
https://www.youtube.com/watch?v=Hb1jtua3cXo
Maging ang award-winning and box-office director na si Jason Paul Laxamana ay naghayag ng kanyang saloobin tungkol sa pelikula: “Ang ganda naman ng #MyLettersToHappy. In an age when mental health problems are on the rise, all the more it becomes a blessing when we find people who can love us in spite of whatever it is we suffer from. Kudos sa exceptional acting TJ and @glaizaredux!”
Hindi man masyadong nakakapagpromote sa major TV networks ang mga cast ng pelikula, mukhang makakatulong ang patuloy na pagbuhos ng mga social media posts ng mga nakanood at nagkagusto sa pelikula. Sana ay magwork ang word-of-mouth promotion para magkaroon pa ng interest ang mas nakakarami sa pelikula.
Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club