Myka Flores: Komedyanteng Segurista sa Buhay

MARAMI ANG COMEDIENNE na katulad ni Myka Flores na minsan ang taglay na mukha na tila tampulan ng tukso ay siyang ginamit naman nito para maging positibo ang kanyang buhay tungo marahil sa isang pag-unlad sa buhay katulad nila Moi, Ai- Ai, Diego.

Pero itong si Myka naman na siyang ating bida sa ngayon. Aking napansin na tila seryosong nakakatuwang, nakakatawa at habang nagsasalita ay may pagkakomedya. ‘Eto pasadahan na natin ang komedyana.

Sa tunay na buhay, may asawa ka na, Myka? “Wala pa.” Pero may mga nanligaw din sa ‘yo? “Oo, naman. Marami.” Uy, marami!? “Oo naman.” Eh, bakit hindi mo sila sinasagot? “Ah, sinasagot ko naman sila, eh. Nagkaroon naman kami ng two years. Ah, kasi nagkaroon ako ng boyfriend. Unang-una, 2 years, ‘yung isa 3 years. Hehe…”

Mukhang nakakarami, ah. “Ah, si-guro ‘dun mo malalaman kung talagang match kayo, kung talagang compa-tible kayo. Kasi, kahit ‘di naman kayo compatible napapag-aralan naman ‘yun.”

Ano sila, mga businessman, karaniwan din o parehas mong artista? “Ah, hindi naman po artista. Iyong iba, ayun may mga trabaho naman.”

Pero may time naman na nagkakasundo kayo, na nagkakaintindihan kayo. “’Pag ayaw mo hindi kayo magkakaintindihan, ewan ko….”

Pero may mga anak ka na rin? “Wala ngang boypren, eh! Waley!”

Ah, kung nagkakaroon kayo ng…  “Wala. Walang nangyari sa ‘min, heheheh! ‘Yun nga! Kaya nagtagal kami kasi naintindihan n’ya ‘yung gusto ko ‘pag sinabi kong ‘wag.”

Ah, pero lalo na siguro ngayon na nakikita ka sa TV? “Meron naman po, kasi wala na akong ano kasi eh, kung sino ang maging first boyfriend ko, s’ya na ‘yung mapapangasawa ko. Eh, ‘yun dumating naman, pero nagkahiwalay rin kami. Pero hindi naman sa pinagyayabang ko, pero karaniwan ng nanliligaw sa akin eh, may asawa.”

Ah, haha! Parang gagamitin ka lang? “Hindi naman nila ako ginagamit.”

Ah, parang crush ka lang nila? “Unang-una, marunong naman akong kumilatis ng tao, eh, kung ginagamit lang nila ako, kasi may naging boyfriend ako parang ‘pag lumalabas kami parang ako ‘yung oorder, sasabihin n’ya ‘Beh! Anong gusto mo?’, pero ako pala ang magbabayad. Sasabihin ko, ‘hoy puny…ta hindi ako palabigasan, sori!’ Hahaha… grabeh! Sorry hindi ako nagtatrabaho para sa ‘yo.”

Oo, naman ‘di lang palabigasan, gatasan pa naman! “Kahit guwapo ka, sa ‘yo ang sa ‘yo, akin ang akin.”

Ah, parang gagawin ka pang cashier. Baka sabihin may sira ang frigidaire, may sira ang TV… haha… “Hahahah! Ah, ‘yung mga ate ko takot sila kung magkakaboypren ako, kasi baka lokohin ako.”

Ah, kilatisin mo na lang. “‘Yun ang pinakagusto ko talaga, respect talaga. Oo, naman, ‘yun ang maipagmamayabang ko kahit panget ako, hindi ako basta magpapagalaw.”

‘Pag may gumalaw sa ‘yo, pukpukin mo sa ulo kaagad! Hehe… “Ah, hindi naman po, kapag sinabi mong ‘wag… ‘di talaga.”

Amerikano o kaya foreigner… may nagkakagusto rin sa ‘yo? “Wala, wala silang ano!”

Malay mo kasi kapag mga fo-reigner eh, siguradong ilalagay sa mga mansyon? “Ang hinahanap ko sa lalaki ‘yung tatlong ‘M’ po.”

‘Yung madaling mamatay? “Eh dapat ‘yung mayaman, kasi kung madaling mamatay lang lugi ka, no’n. Ah, matandang mayaman na ma-daling mamatay. Ah, ‘yung ‘pag napatayo na n’ya ‘yung bahay ko, ayun babay na kaming dalawa.”

Nice, me reason ka. Nung napunta ka sa Survivor, ano ang nasa isip mo? “Nung time na ‘yon? Sa Survivor? Ay ‘yung manalo ako. Unang-una nasa isip ko eh, matulungan ko ‘yung family ko. ‘Di na ‘yung nakiki-boundary. Gusto ko, magkaro’n na sila ng sariling sasakyan.”

Ayan si Myka, marunong sa buhay, bagay na hindi ito makikita sa labas na kaanyuan kundi  sa kalooban. ‘Ika nga, ang tunay na kagandahan ay mula sa mabuting kalooban.  Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.

Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.

For comments and suggestions, e-mail: orobiakpp[at]yahoo.com and/ or maestrorobiaparazzi[at]yahoo.com.

ni Master Orobia

Previous articleAyyy… LIIT!
Next articleAljur Abrenica and Bela Padilla: Legendary Love Journey Ahead

No posts to display