SA STAR MAGIC nagsimula ang career ni Mylene Dizon bago siya nakilala showbiz industry at naging award-winning actress. Bagama’t nakakagawa siya ng proyekto sa GMA-7 pero halata sa post niya na mas matimbang ang kanyang pagiging Kapamilya.
“During that time I wasn’t with ABS-CBN, I was with another network finishing a project with them. I was with them. I joined the rally.
“I stood outside the station. I sang with them. Tinaas ko yung kamao ko for ABS-CBN. Sumugod kami from Cavite talagang pumunta kami,” pagre-recall ni Mylene sa kanyang ginawa pagkatapos magsara ang ABS-CBN last year.
Patuloy pa ng aktres, “I’ve been with ABS-CBN for [25] years so ang tagal tagal ko na dun. Yung mga nakakatrabaho ko ngayon from cameraman, gaffer, yung staff, yung crew, basta lahat yan matagal ko na silang kaibigan.
“Kailangan magtutulungan na lang tayo para kahit papaano naman lahat tayo happy somehow. But I’m still very, very pissed about what happened a year ago. Siguro yung galit ko noon hanggang ngayon pareho pa rin yung level!”
Nangako rin si Mylene na patuloy siyang makikipaglaban hanggang bumalik na sa ere ang ABS-CBN.
“Siyempre hanggang ngayon malaking kawalan pa rin kasi a big chunk of our company is still not operating di ba? We are still not able to relay lahat ng news na dapat ihahayag natin. I’m still naiinis about it. I’m still going to fight with ABS-CBN para maibalik yun.
“As for working, I think that is the reason we are all still working. Hindi lang sa gusto natin na meron tayong kita. We are all willing to work kahit alam natin maski papaano kahit gawin natin lahat ng mga protocols meron pa rin tayong chance na magkasakit dahil magkakasama tayo sa set and so on and so forth.