VERY VOCAL si PBB Teen Big Winner Myrtle Sarrosa sa pagsasabing interesado siyang pasukin din ang pag-aartista gaya ng mga naunang nanalo o naging housemates ng nasabing reality show. Kung anuman daw ang opportunity that will come along her way, she’ll grab it.
“Pero at the same time, like what I said… hindi ko kakalimutan ang studies ko po,” aniya nang makausap namin. “Kasi other than maging artista, pangarap ko po talaga na maging lawyer. Dating pangarap ko lang po is to defend those who cannot defend themselves.”
Kung mag-aartista siya, okey ba sa kanyang magkaroon ng ka-loveteam at sino kaya sa mga Kapamilya young actors ang gugustuhin niyang makatambal?
“Uhm… loveteam? Hindi pa po ‘yon nag-pop sa mind ko,” sabay bungingis na sabi ni Myrtle. “Pero okey lang po sa akin whatever opportunities come my way po. I would always grab it kasi once in a lifetime. Pero sa loveteam po, wala pa po akong naiisip kung sino.”
Meron ba siyang mga crush na young actors?
Napaisip nang husto si Myrtle bago nakapagbanggit ng pa-ngalan.
“First ko po talaga (na crush), si Robi Domingo,” sabay bungis-ngis niya. “Si Robi… si Robi po!” tawa pa niya.
Why Robi? Ano ang nakita niya rito na wala sa iba?
“Dati po, sobrang sinusu-baybayan ko siya sa PBB. Kaya parang na-inspire niya rin po ako. Isa po siya sa mga inspiration ko po kung bakit mas ginusto ko rin pong sumali. Dahil nakita ko rin po sa kanya na grabe siyang magpursigi. Kaya gano’n po.”
Maraming nagsasabi, may hawig daw siya kay Erich Gonzales. Ano ang reaksiyon niya hinggil dito?
“Yes po… grabe!” nangiting sabi ni Myrtle. “Uhm… lagi nga pong may nagsasabi sa akin no’n. And for me po it’s… wow! Of course po, ang ganda ni Erich Gonzales. And… ‘yon po, it’s an honor po na sabihin ‘yon sa akin.”
Number four na at trending pa rin sa Twitter ‘yong tungkol sa mga hindi magagandang nasasabi ng mga haters niya.
“Lahat naman ng tao, uhm… kagaya ng sinabi ko… there’s always two sides of the coin. Some people like you. Some people hate you. And I respect their opinion. Kung ayaw nila sa akin. But at the end of the day, I’m very thankful na mas marami pa rin ang may gusto sa akin. Kesa sa mga tao na ayaw sa akin.”
Hindi siya nasasaktan sa mga negatibong nasasabi ng haters niya laban sa kanya?
“Of course po, nahe-hurt ako. But I would always look at the positive side. And the positive side is… mas marami pa rin ang naniniwala sa akin. And thankful ako sa kanila. And of course po, at least po napapansin ako ng mga tao na ayaw po sa akin,” nakangiting huling naging nasabi ni Myrtle.
Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan