Myrtle Sarrosa mas tumatagal pa ang relasyon sa Sisters kesa sa mga nagiging ex-boyfriend

Leo Bukas

MALAKING tulong sa pag-aaral noon ni Myrtle Sarrosa ang pagiging celebrity endorser niya ng Sisters Sanitary Napkins and Pantyliners (ng Megasoft Company).

Nakadagdag daw ang nakukuhang taleng fee para may panggastos siya sa college sa University of the Philippines kung saan kumukuhya siya ng kursong Broadcast Communications.

Myrtle Sarrosa

“Actually, yung nakuha kong talent fees no’n ay ginamit ko para sa ibang expenses ko sa U.P,” ani Myrtle.

Kahit kasi scholar si Myrte sa UP ay kailangan pa rin niyang i-shoulder ang iba pang expenses lalo na kung may mga school project siya or activities.

“Kasi kahit na scholar ako noon, ang gastos nang course ko. Yung course ko before was Broadcast tapos nagpo-produce ako ng sarili kong mga films when I was studying in U.P.,” sabi pa ng dalaga.

Ayon pa kay Myrtle, suportado rind aw siya ng tinaawag niyang “Big Sis” na si Aileen Choi-Go, ang Megasoft Vice Presidentl throughout her journey sa showbiz at personal na buhay.

“Nakakatuwa kasi never akong ni-limit nang Sisters. In fact, sinuportahan pa nila ako and they helped me grow from who I was to who I am right now,” lahad pa ni Myrtle.

Samantala, muling nag-renew ng kontrata si Myrtle sa Megasoft bilang brand ambassador for six years. Naging emosyonal ang aktres nang malamang ire-renew siiya ng Megasoft.

Bulalas niya, “Noong sinabihan ako na magre-renew ako for Sisters naiiyak na ako. Kasi yung mindset ko kasi, no matter what happens. Sabi ko nga in the future, kahit matagal na, kahit tumanda na ako, para sa sarili ko, regardless, Sisters family, Megasoft family ako.”

“Yung partnership namin never nag-end. Mas matagal payung endorsement ko sa Sisters kesa sa lahat nang relationships ko combined. Ang dami nang pinagdaanan ng lovelife ko, yung Sisters hindi pa natatapos. Tuluy-tuloy lang ang Sisters, hahaha.

“Sobrang grateful ako sa Megasoft kasi even when I was studying, even when I was doing a lot of tapings, sinuportahan nila ako and napagsabay ko ang pag-aaral, pag-graduate ko, and pag-aartista,” dagdag pa niya.

Previous articleAga Muhlach proud sa pagiging independent nina Atasha at Andres sa ibang bansa
Next articleAngelica Panganiban magkaka-baby na!

No posts to display