HAPPY SI Batangas Gov. Vilma Santos sa reakyon ng publiko at pati ng film industry sa unang pagsabak niya sa indie films ngayong 2013 Cinemalaya Film Festival. Via her film Ekstra nag-enjoy ang aktres sa kanyang karanasan.
Tulad ng pangkaraniwang mga indie film production, hindi gasino kalakihan ang talent fee ni Ate Vi sa pelikula pero na-enjoy niya ang karanasan.
Sa katunayan, she loves to do another indie film at baka nga siya ang magpo-produce para sa sarili in case walang kukuha sa kanya, pabirong pahayag niya.
Kung hindi kami nagkakamali, sa unang screening pa lang ng Ekstra ay sold-out na ang tickets sa Trinoma noong Monday. Maaga pa lang, all seats taken na, na magandan senyales na maging ang regular movie going public ay magugustuhan ang pelikula where she plays the role of a movie bit player Loida Malabanan.
Matatapos na ang Cinemalaya this Sunday but you can catch Ekstra sa regular showing nito on August 14, kung saan ire-release ng Star Cinema ang obra ni Jeffrey Jeturian.
Reyted K
By RK VillaCorta