Nabitin na biyahe

NABIGYAN NA AKO ng overseas employment certificate. Magdadalawang buwan na ay ‘di pa rin ako pinapaalis ng ahensiya ko. Wala po bang taning na panahon na ma-pressure ang agency na paalisin ako? — Gemma ng Cagayan de Oro

MERONG TAKDANG PANAHON para mapabiyahe ang isang OFW. Matapos kang mabigyan ng overseas employment certificate, kailangang paalisin ka ng ahensiya sa loob ng 60 araw.

RESPONSABLE SA ‘DI PAG-ALIS NG OFW

 

SINO ANG MANANAGOT sa ‘di pagpapaalis ng isang OFW? — Jean ng Batangas City

TATLUMPUNG ARAW MATAPOS mag-expire ang 60 araw na pagpapaalis sa OFW, ang ahensiya ay dapat mag-report sa POEA para ilahad kung bakit ‘di nakabiyahe ang OFW. Ito ay para makansela na ang dokumento ng OFW.

Kung ang OFW naman ang may kasalanan kung bakit ‘di siya nakaalis, kailangang ibalik niya ang mga ginastos sa kanya ng ahensiya.

LIBRENG PAYO! I-TEXT N’YO AT SASAGUTIN KO! PM <space> saklolaw <space> ang inyong katanungan at i-send sa 2948 (for Globe, Smart and Sun users). E-mail: [email protected].

Ayuda sa OFW
By Ome Candazo

Previous articleMga Future Drama Kings ng Kapuso Network!
Next articleRecall Rep. Relampagos; at Lipa Mayor, swak sa iligal

No posts to display