SOBRANG NAPA-PRANING NA raw ang mga executives ng production sa GMA-7 dahil sa ibinabang memo ng nakatataas. Kapag hindi pa raw humataw sa ratings ang mga programang sumasadsad sa numero, e, hindi lang ang mga shows ang masisibak kundi pati na rin ang mga tao sa productions.
Ang tatlong programang nabanggit ay isang Sunday show na hindi malaman kung variety or what, isang bagong show na nanggagaya at isang teleserye.
Sobrang disappointed din daw ang mga top executives ng GMA-7 sa viewership ng Starstruck na sobrang baba kung ikukumpara sa mga nakaraan. Wala raw kasing bagong inihain sa production para maging interested ang mga televiewers aside from the new faces na sumasali at gustong mag-artista.
Ang sabi sa amin, wala raw ginawa ang ibang mga tao sa production ng GMA-7 kundi ang pagbigyan ang kanilang mga kaibigan at kanilang mga alagang artista na isaksak sa mga shows na hindi naman bagay kaya hayun, apektado tuloy ang viewership ng kanilang mga programa.
Siguro, tama nga ang mga nakatataas sa GMA-7. Kailangan siguro nilang mag-overhaul ng mga tao sa production. O, mamirata na rin kaya sila sa Dos ng mga production people?
E, ang balita nga namin, may ibang mga magagaling sa production ng GMA-7 ang lilipat pa sa TV5, paano na ngayon ‘yan? Whatdayathink, Mama Angel?
ISANG HAPON, USAP-USAPAN ng isang grupo sa GMA-7, kung saan present din si Anjo Yllana, ang isang item sa diyaryo kung saan inili-link ang isang male celebrity/politician na kumakandidato sa pagka-vice sa isang sexy TV host/comedian.
Nag-react daw si Anjo. Nagtanong daw siya sa isang kasamahan kung siya raw ‘yung tinutukoy sa blind item.
“Hindi po, sir. Ang sabi sa amin, si BF and RE po ‘yung mga bida ru’n sa item. Hindi po kayo,” ang magalang na sagot sa kanya ng staff.
“A, ang akala ko kami ni Stephanie (ng EB Babes) ang tinutukoy, e,”say naman daw ni Anjo.
Nagkaroon tuloy kami ng idea. Teka. May “something” ba na nangyayari between Anjo and EB Babes Stephanie?
Hmmmm… hindi na ‘yata kasi nagbabantay si Jackie Manzano sa set, e.
BILIB KAMI SA national artist na si Direk Carlo J. Caparas dahil magmula pa nu’ng 70’s, e, namamayagpag na ang kanyang pangalan sa komiks at hanggang ngayon, tatlong dekada na ang nakakalipas, e, bukambibig pa rin siya sa industriya at kilalang-kilala pa ng mga kabataan.
Gaya na lang ng kanyang masterpiece na Panday. Nu’ng late 80s pa ay naglalaro na ito sa kanyang isipan at ‘saka naisa-pelikula. Naging blockbuster ang series na ito noon na pinagbidahan ng namayapang FPJ.
Binuhay ulit ang Panday movie last year na naging certified box office hit at ngayon naman, ipinanganak ang Panday Kids kung saan si Direk Carlo J. pa rin ang nasa likod at gumagawa ng mga bagong characters at istorya.
Unlike Direk Carlo J’s contemporaries na nakalimutan na ng bagong henerasyon, heto’t buhay na buhay pa rin sa isipan ng mga bagets ang mga obra ng ating national artist na ngayon ay patuloy pang nanganganak kaya ‘wag na rin tayong magtaka kung after ng Panday Kids ay magkaroon pa ito ng mga apo para sa continuing series, hek, hek, hek!
Sabi nga ng better half ni Direk Carlo J. na si Tita Donna Villa, marami pa raw silang proyekto sa GMA-7 kung saan kasama ang lahat ng mga obra ni Direk at gusto niyang linawin na siya lang at wala nang iba ang nakikipag-negotiate sa GMA management para i-represent si Direk. In short, si Tita Donna ang manager ni Direk.He-he-he!
For reaction, please e-mail [email protected]
Sour-MINT
by Joey Sarmiento