Nanawagan ng dasal ang pamilya ni Nadia Montenegro dahil nasa kritikal na kondisyon ngayon ang partner nitong si Macario ‘Boy’ Asistio sa edad na 80.
Nitong Miyerkules, February 1, isinugod ni Nadia si Boy sa ospital dahil sa na-cardiac arrest ito. Comatose ngayon ang dating mayor ng Caloocan na naka-confine sa isang ospital sa Quezon City.
Hiling ni Nadia sa Diyos na sana ay pahabain pa ang buhay ng kanyang long-time partner. Bago pa man ito isugod noong Miyerkules, labas-masok na si Boy sa ospital.
Pati ang mga anak nila na sina Ynna at Alyana, dasal din ang hiling para sa kanilang pinakamamahal na ama. Ito na lang daw ang kanilang pag-asa sa ngayon upang madugtungan pa ang buhay ng kanilang padre de pamilya. Hiling nga nilang isama sa prayers ng mga nagmamahal sa kanila si Boy for his fast recovery kasi gusto pa raw nila makasama nang matagal ang kanilang ama.
Ayon sa Facebook post ni Ynna, “The only thing I’m holding on to right now is my faith in God. I know you can make impossible things possible. I know it is only you who can make a miracle.
“It feels so weird sleeping here in the hospital not having you in the same room, not being able to check on you, not being able to hug you, kiss you anytime, since you’re isolated in a different room, Daddy.
“Things are slowly sinking in and all I can do is pray for you because I know it’s the most powerful thing that can heal you and that I can do. Wake up na, Daddy. Laban tayo. I love you so much, Dad. Heal him, Father God.
“Please continue praying for my Dad.”
Tweet nnaman ni Alyana, “My father gave me the greatest gift anyone could ever give, He believed in me. I miss you already dada! #keepholdingondad.
“Mahal na mahal na mahal na mahal na mahal KITA. Sobrang sakit na daddy.”
Ganu’n din ang mensahe ng kanilang inang si Nadia: “Mahal na mahal na mahal kita!!! Kapit pa konti!”
Sa True Lang
by Throy Catan