MAGIGING happy ang fans at supporters ni Nadine Lustre sa ibabalita naming ito. Ayon kay Vincent del Rosario, ang President & Chief Executive Officer ng Viva sa ginanap na digital mediacon ng Vivamax nitong Huwebes ng hapon (August 19), malaki ang posibilidad na gumawa ulit ng pelikula si Nadine sa Viva at sa Vivamax.
“I think in few weeks we’re presenting to Nadine some projects that she may want to consider doing for us –movie projects for Vivamax or for the cinemas. So, we’re sitting down soon,” ani Boss Vincent.
Inutusan na rin daw siya ng amang si Vic del Rosario na maghanap ng magandang project para kay na Nadine na inumpisahan na raw nilang gawin.
“Boss Vic has asked us to come up with ideas, concepts that we can present to her. So, we’re very excited with the opportunity to work with her again. Hopefully maybe soon. Also with James (Reid) — whether through his music or sa pag-aartista. So ano lang, it’s a timing issue,” dagdag na balita pa ni Vincent.
Hanggang ngayon ay maituturing na active pa rin ang kontrata ni Nadine sa Viva.
Matatandaang naglabas ng desisyon ang Quezon City Regional Trial Court tungkol sa kasong isinampa ng Viva Artists Agency laban kay Nadine Lustre pagkatapos nitong labagin ang nakasaad sa pinirmahan niyang kontrata sa VAA.
Naka-saad sa inilabas na desisyon ng Quezon City Regional Trial Court pagkatapos ng pagdinig na tanging ang VIVA Artists Agency lang ang puwedeng makipag-negotiate at tanging may hawak ng mga business deals para kay Nadine.
“Sa aming end, I think maraming beses na nasabi ni Boss Vic na… especially sa case ni Nadine na we have an active contract with her, na we want to work with her. We want her to do projects for us. It’s just ano finding the right materials kasi hinahanap din naman namin yung bagay sa kanya saka yung matutuwa siyang gawin.
“So yon… I’m sure within the year we’ll be announcing a project with her and hopefully beyond that, even si James… whether them as a couple or individually,” pagkumpirma pa niya.
Si James ay nag-expire na ang kontrata sa Viva at naging mutual ang naging decision ng magkabilang kampo na hindi na mag-renew.
Ayon pa kay Boss Vincent, open naman daw ang line of communication ni Nadine at Boss Vic.
Sabi niya, “From my end, alam ko si Nadine, nakakapag-usap sila ni dad. Nabanggit sa amin. I’m not sure about si James kasi nga wala naman siyang active contract with us. Si Nadine meron. So, nag-uusap sila and yon nga nautusan kami na magsimula nang ano…
“Actually nagsimula na kaming maghanap ng materyales para kay Nadine to star in sa amin sa Viva. Excited ang Viva for that. Si Nadine naman is like family to us.”
“We’ve seen her growth in terms of being an artist and as a person. Una siyang nakasama sa Viva. Yung opportunity na maka-trabaho siya ulit, in a new light, di ba? Yung bagong… ngayong panahon is exciting.
“It’s exciting for the whole of Viva. Hindi lang sa amin kundi sa aming mga empleyado, sa aming mga production team kasi si Nadine brings in a new flavor. Para meron namang ibang artistang makita sa Vivamax platform,” pahayag pa ni Vincent.
Samantala, ang Vivamax ang itinuturing na number one entertainment app on Google Play, outdoing other long established local and international streaming brands. Sa halos 6 months operation nito ay meron na itong 600,000 subscribers and still growing.
Bukod kay Nadine, nakatakda ring gumawa ng proyekto sa naturang streaming platform si Sarah Geronimo, Anne Curtis at marami pang artista mula sa Kapamilya network at Star Magic.