SA WAKAS ay nauwi na rin sa mabuting usapan ang gusot sa pagitan nina Nadine Lustre at ng kanyang original talent management na Viva Artists Agency sa terms and conditions ng kanilang kontrata na tatagal hanggang December 31, 2029.
Ito ang inilabas ng kampo ni Nadine Lustre sa pamamagitan ng kanyang mga bagong legal counsels na sina Gideon Peña and Eirene Jhone Aguila. Ayon sa kanila, na-settle na nila ang kanilang legal issues at nagkasundo na “under terms that are fair and mutually beneficial.”
“Nadine and Viva have agreed to continue their professional relationship on an exclusive basis until 31 December 2029 with Nadine retaining her rights to decide,” sambit ng mga lawyers ni Nadine Lustre.
Matatandaan na bago magpandemya ay idineklara ng kampo ni Nadine na kumalas na ito sa Viva and “is self-managed and will continue to be so on indefinitely.”
Sa nilabas noon ng dating legal counsel ng dalaga na Kapunan & Castillo Law Offices, “She shall direct manage her affairs from now on, and bookings and inquiries may be directly addressed to her,”
Ito naman ay agad na kinontra noon ng Viva Artists Agency.
“Any dealings or professional engagements entered into by Nadine, without the consent or approval of VIVA constitutes breach of contract. VIVA shall initiate appropriate legal action against Nadine and/or third parties that directly deal with Nadine in contravention of VIVA’s Management Contract,” nakalagay sa kanilang official statement noon.
Sa kanyang ‘self-managed era’ ay nakapagprodyus ng visual album si Nadine Lustre sa tulong ng Careless Music Manila, na pag-aari ni James Reid. Nakapagbenta rin ito ng mga merch sa kanyang online store (clothes, perfumes to name a few) at nakapag-umpisa ng sariling business.
Last December 2020 ay kinasuhan si Nadine Lustre ng Viva Artists Agency dahil diumano sa pagviolate ng existing contract nito.
Noong Hunyo nitong taon ay nagdesisyon ang Quezon City Regional Trial Court Branch 220 na dapat ay sundin ni Lustre ang kanyang kontrata sa Viva. Ayon kay QC judge Jose Paneda, Nadine Lsutre should “honor and uphold her contractual obligations to VAA under the subject agreement before and during arbitration.”
Pagkatapos ng ilang buwan na negosasyon ay tila nagkasundo na ang dalawang partido.
“To avoid future misunderstandings, both parties have agreed not to make any further comment on the matter,” sambit ng present legal counsel ni Nadine.
“For now, Nadine and Viva remain committed and focused on providing quality entertainment,”
Sa kasalukuyan ay tinatapos na ang taping ni Nadine para sa kanyang comeback movie kung saan ang veteran director na si Yam Laranas ang hahawak sa kanya.