PASABOG naman talaga ang Philippines’ Multimedia Princess na si Nadine Lustre sa kanyang kaarawan.
Ngayong October 31 ang kanyang birthday and to commemorate her 26th year ay may pa-pictorial na regalo sa fans ang aktres na hindi lang basta-basta, ha? Talagang pa-trending na as of writing ang kabogerang larawan ng girlfriend ni James Reid.
Ang photographer na si Dookie Ducay (@dookieducay) ang nagpost ng mga larawan ni Nadine. Una ay ang topless photo na tanging ang kanyang precious legs ang nagtatakip sa kanyang dibdib. Mala-90’s supermodel ang peg ng aurahan ni Madam President Nadine Lustre.
Sa sumunod na photos ay naka-one piece swimsuit ito at nakasuot pa rin siya ng blue jeans. Ang twist? May pasilip naman ng kanyang bumbum na tipong gustong patunayan ng dalaga na she’s a grown woman and she can do whatever she wants!
Narito pa ang napaka-touching na message ng photographer/friend ni Nadine: To the woman who continues to break the stereotype of being a Filipina leading woman. To the woman who embraced the skin she is in so every other morena can love her color too. To the woman whose ideals are progressive enough to always put the female on a pedestal. Happy birthday , @nadine ?
HAPPY BIRTHDAY NADINE! This is Your Moment!