HINDI napigilan ni Nadine Lustre na almahan ang bintang sa kanila ni James Reid ng producer ng kanilang concert sa San Francisco, USA.
Sa ulat na lumabas kahapon, April 5, sa iba’t ibang entertainment websites at blogsites (kabilang ang Pinoy Parazzi), inireklamo US-based concert producer na si Elaine Crisostomo ng Entablado Production USA LLC, producer ng “Always JaDine US Tour” sa San Francisco, ang magaspang na ugali umano nina James at Nadine at ng kampo nito.
Hindi umano sumunod ang kampo ng JaDine love team sa pre-show schedule, kung saan mayroong meet and greet ang love team sa kanilang fans through lunch, dinner, at photo ops na hindi sinipot nina James at Nadine.
Ayon kay Elaine, nagbayad umano ang JaDine fans para makasama kahit saglit ang kanilang mga idolo.
Reklamo rin ni Elaine na nakaranas ng pambabastos at pinahirapan ang kanilang production team maging sa concert proper, kung saan pinalabas ng concert venue ang mga inupahan nilang videographer.
Sa kanyang Twitter account, nag-react si Nadine sa mga alegasyon. Bagama’t hindi nagbanggit ng pangalan, halata namang patungkol sa bintang ni Elaine ang kanyang mga tweet.
Una munang nagpasalamat si Nadine sa lahat ng mga nagpunta sa kanilang concert. Aniya, “Sending love to everyone who came #AlwaysJadineUSTour. So much has happened but it was def a great experience.♡”
https://twitter.com/hellobangsie/status/849739740832124928
Gayunman, may natutuhan umano siya para hindi maloko ang kanilang fans. Kailangan daw niyang i-update ang lahat sa kung ano ang “legit” at kung ano ang hindi. Tweet niya, “1 thing that I learned tho.. ALWAYS update everyone with what’s legit and what is not, so JaDines wont be tricked.”
https://twitter.com/hellobangsie/status/849741112839331840
Sinabi pa ng aktres na magbayad daw muna ang producer sa mga taong pinagkakautangan nito, bago magkalat ng kung anu-anong kalokohan. Ani Nadine, “and before you spread shenanigans about us, PAY UP. You owe a lot of people money.”
https://twitter.com/hellobangsie/status/849741782690611200