May fear of height pala si Nadine Lustre kaya kahit gustuhin man ni James Reid na isama siya sa skydiving ay hindi uubra.
“Sasama lang siya sa plane. We’ll see. I might give her a push,” say ni James Reid sa radio interview niya sa Dubai.
Okay lang naman kay Nadine Lustre kundi siya makasama sa skydiving ni James, meron pa kasi silang isang buong araw na maglibot sa Dubai at sa London after their performances. Iyon na bale ang date nila kasi wala silang time mag-date habang nandito sa bansa dahil sa kanilang busy schedule.
Anyway, soldout ang concert nila sa Middle East. Talagang sugod ang mga kababayang OFWs kaya naman super successful ang concert nila.
Sa kanyang pagbabalik ay hindi na kailangang sagutin ni Nadine ang sinasabing rudeness na ipinakita niya sa dalawang fans.
Merong kasing nakapasok na dalawang supporter sa rehearsals nila ni James. Nagpa-picture ang mga ito kay James at nang magpapa-photo na sila kay Nadine at binulyawan daw sila nito sabay sabing “teka lang”. Nabastusan ang fans kay Nadine at ipinost ito sa social media hanggang sa umapir ito sa isang sikat na website.
Apparently, gawa-gawa lang pala ang story para malaman ng fans kung gaano ka-solid ang JaDine sa pagtatanggol sa kanilang idolo.
“Actually nag sorry na ang tao na nag post niyan sabi ba naman tinetest lang kung gaano ka tibay ang Jadine fandom. And alam ng lahat na walang nag gate crash that time. So hindi po totoo to dahil nagsalita na mismo ang ng post at na report na din siya.I was there at the concert and everyone could attest kung gaano ka bait and thankful si Nadine sa mga pumunta doon :)” say ng isang fan.
“Masyado ang expectations ng mga tao na mas importante pa sila. You were not even supposed to be there in the first place. E sa nag tatrabaho yung Tao and you were a distraction. Hindi namam meet & greet yun. Kahit ba fan ka pa. Respeto naman sa space nung tao. Tapos mabilis pa sa alas kwatro post ka agad-agad na “masama ugali” nung Tao? Dinefine mo na yung buong pagkatao ni Nadine?!?! Huwaw! Ikaw na ang pinaka importante sa buong mundo. Sige, ijustify niyo pa ang mga false sense of entitlement ninyo sa buhay ng mga “iniidolo” ninyo. Mga fans and non-fans na mahilig mag distract sa work time, private time ng mga artista, matuto rin kayong lumugar sa tama at huwag mag-expect na kayo ang pinaka importante–kahit pa no. 1 fan kayo,” tili naman ng isa pa.
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas