AMINADO ang Kapamilya actress na si Nadine Lustre na dumaan siya sa napakahirap na training at choreography bago gawin ang Indak. Pero dahil na rin daw sa tulong ng G-Force kaya napagtagumpayan niya ito.
“Sa totoo lang, napakahirap gumawa ng isang dance movie. Saka, everytime na nagre-rehearse kami ng production number talagang napakasakit siya sa katawan after the next day.
“Pero ako naman kasi, ibang klaseng adrenaline rush ang naibibigay sa akin ng pagsasayaw. So kahit napakahirap, alam mo iyon, very passionate kami at nag-eenjoy naman po kami,” pahayag ni Nadine.
Sa Indak ay ginagampanan ni Nadine ang role ni Jen, isang dalagang taga-isla na may simpleng pangarap at magaling sumayaw. Sa tulong ni Vin, (Sam Concepcion), lider ng isang dance group, makukumbinsi siyang abutin ang kanyang pangarap at sumali sa isang world dance competition.
Sa kanilang pagsasayaw, unti-unti rin nilang mahahanap ang indak ng kanilang mga puso.
Ang Indak na palabas na sa Aug. 7 ay mula sa direksyon ni Paul Alexei Basinillo and produced by Viva Films.
La Boka
by Leo Bukas