MARAMI ang nanabik at na-excite nang kumpirmahin ni Nadine Lustre late last year na siya ay magbabalik-pelikula matapos ng kanyang hiatus. For a change ay isang psychological thriller project ang kanyang tinanggap titled ‘Greed‘ na mula sa panulat at direksyon ni Yam Laranas, na kilala sa mga horror/thriller movies.
Nasanay tayo na mapanood si Nadine sa mga romance-comedy movies niya with ex-loveteam/partner James Reid tulad ng Diary ng Panget at Talk Back and You’re Dead at mga drama movies like ‘Never Not Love You’ at ‘Ulan’. This time ay mas mapangahas na Nadine ang napanood ng kanyang mga fans, na literal na ‘madugo’ ang mga eksenang kanyang ginawa.
For the first time ay nakatambal niya ang Viva favorite leading man na si Diego Loyzaga. In fairness, nag-improve din si Diego sa kanyang pag-arte sa ‘Greed’ at nakitaan din ng chemistry bilang serious actors ang nakamamatay na kumbinasyon na ito.
Ang ‘Greed’ ay kuwento ng dalawang magkasintahan na naghihirap sa barrio. May kaibigan sila na mahilig tumaya sa lotto (Epi Quizon). Masuwerteng nanalo sa lotto ang magkasintahan. Kahit na may kasunduan sila na ishi-share ang blessings kung sinuman ang manalo sa kanila, nanaig ang ganid sa puso ng magkasintahan at nagdesisyong iwanan ang barrio na walang pasabi sa kanilang kaibigan na sila ay nanalo sa lotto.
Dahil sa ganid at kahirapan ng buhay ay nag-umpisa ang pagkasira ng kanilang pagkakaibigan. Ang akala rin ng magkasintahan na ‘safe place’ na kanilang napuntahan ay naging impyerno matapos nilang malaman na nanalo ng lotto ang mga karakter nina Nadine at Diego.
Sinuportahan ng mga tagahanga ni Nadine ang comeback film ng kanilang idolo, pero agad itong bumaba to #2 nang lumabas ang unang episode ng sexy psychological thriller series ng Vivamax na ‘Iskandalo’, kung saan bida sina AJ Raval, Cindy Miranda, Ayanna Misola at iba pang sexy starlets ng Vivamax.
Aminado tayo na ang ‘Greed’ ay isang magandang pelikula, pero hindi ito for general public. Kung ikaw ay big fan ni Nadine, you will appreciate her acting chops na talagang lumabas dito. Kahit na gusto munang lumayo ni Nadine sa mga romance-comedy at heavy drama movies, wish pa rin namin na makita siya in a light yet inspirational movie. Kayo ba?