Nadine Lustre, handa na bang magsolo without James Reid?

Nadine Lustre

FIRST TIME ni Nadine Lustre gumawa ng pelikula na hindi niya kapartner ang real life boyfriend na si James Reid.

Kaya nga ang mga fans nila na JaDine (tawag sa tambalan nila ng boyfriend) umaasa na sana, kahit wala si James sa pelikulang Ulan at iba ang kapareha ng dalaga (sina Carlo Aquino at Marco Gumabao ang partners niya), maging maganda sana ang box-office result ng love story for film na ito ni Direk Irene Villamor na produced ng Viva Films.

Sa grand media conference last Saturday ng Ulan, pahayag ng sexy actress tungkol sa hindi pagkakasama ng boyfie sa pelikula:  “Siyempre po, nakakapanibago kasi nasanay akong nandiyan siya. Siya lagi ang kasama ko but we have to grow individually as artists. Meron din naman siyang ginagawang movie on his own and I think that’s healthy for both of us,” sabi ni Nadine.

Kuwento niya sa kanyang karanasan habang ginagawa ang pelikula with  new leading men: “I enjoyed working with Carlo as my leading man, and also with Marco Gumabao and AJ Muhlach who played my first two boyfriends in the story. But they both turned out to be unfaithful and they break my heart. Masaya sila lahat kasama sa shoot at happy set kami lagi.”

May pangamba nga si Nadine sa pelikula niyang ito lalo pa’t mas subok na sa takilya kapag si James ang kapareha niya?

Nadine Lustre and Carlo Aquino in ‘Ulan’

Sa huling pelikula niya ni James na “Never Not Love You” na partly shot pa in London kung saan mas nag-level-up sila as actors ay bongga ang naging resulta nito sa takilya.

Kabado si Nadine. “Nakaka-pressure but I’m confident that viewers will like our movie kasi kakaiba siya, e. When I first read the script written by Direk Irene Villamor, I fell in love with it agad kasi may element ng fantasy. I play Maya, a girl who believe in tikbalangs kasi as a child, nakita kong may mga kinakasal na tikbalang and since then, I associate the rain with the sad moments in my life, with my failures and unhappy situation. Like when my parents died while it’s raining, so it’s my lola, Perla Bautista, who raised me.

“Parang bad omen siya for me. But I continue to wait, hoping the rain will also one day bring to my one true love. And while waiting for a ride sa isang waiting shed habang umuulan, doon ko naman nakilala si Carlo as Peter,” kuwento niya.

Carlo Aquino, Direk Irene Villamor and Nadine Lustre
Sa March 13 ang showing ng pelikula na nayon kay Direk Irene, may importanteng role ang mga “tikbalang” sa kuwento ng pelikula niya na isa sa pinagbasehan ay ang mga pamahiin nating mga Pinoy tungkol sa mga kuwentong nakalakhan natin na lumaki sa kuwento ng mga lolo’t lola natin tungkol sa mga Pinoy folklore.
 

Reyted K
By RK Villacorta

Previous articleSA KALIWA’T KANANG BALITANG NAGLALABASAN: Sino ang salarin sa demolition job laban kay Kris Aquino?
Next articleHERE COMES MARIA: Cristine Reyes, ang bagong action heroine na aabangan sa big screen!

No posts to display