KUMALAS na rin si Nadine Lustre sa Viva Artists Agency, ang management team na nagpasikat sa dalaga at naging tahanan niya ng mahigit sampung taon.
Ito ang bagong pasabog ng kampo ng dalaga pagkatapos ng highly-publicized confirmation nila ng ex-boyfriend na si James Reid na sila’y hiwalay na talaga.
Ngayong araw, January 27, 2020 inilabas ng legal counsel ni Nadine Lustre na si Atty. Lorna Kapunan ang pahayag na umalis na ang kanyang kliyente sa poder ng VAA kahit pa hindi pa tapos ang kontrata nito. Narito ang buong statement na inilabas sa media:
“For the information of the public, Nadine Lustre is no longer a talent of Viva Artists Agency. Consistent with her rights under the Civil Code of The Philippines, specifically Article 1920, she has decided to terminate her agency contract with Viva.
“As of now, Nadine is self-managed and will continue to be so indefinitely. She shall directly manage her affairs from now on, and bookings and inquiries may be directly addressed to her.”
Nakasaad sa Article 1920 na maaaring umalis ang isang talent sa kanyang management agency kung kailan nito gusto.
Noong nakaraang taon ay nauna nang umalis si James Reid sa VAA at nagdesisyon na magpa-manage na lamang sa kanyang ama at mag-concentrate sa Careless Music Manila. Pumirma rin ng exclusive recording contract si Nadine sa nasabing kumpanya at balita namin ay ilalabas na ang kanyang solo album ngayong taon.
Sa pagbabagong ito, ano kaya ang mangyayari sa karera ni Nadine? Mas malaya na ba siya na gawin ang mga proyektong gusto niya talagang i-pursue? Higit sa lahat, ano kaya ang masasabi ng Viva Artists Agency lalo na si Vic del Rosario sa pag-alis ng isa sa pinakasikat niyang talent?