VERY UNEXPECTED para kay Nadine Lustre ang lahat ng magagandang nangyari sa career niya sa last quarter ng taong 2022. Naging top grosser ang horror film niyang Deleter sa Metro Manila Film Festival at siya rin amg nanalong best actress.
During the victory thanksgiving party ng Deleter ay naibahagi ni Nadine kung paano siya nagiging epektibong performer kapag nasa harap na siya ng kamera.
“I guess ako po kasi sobrang hilig ko po kasi sa mga movies. Tapos sobrang interested po ako sa process nung mga artista. So minsan, pag nanonood ako kesa sa panoorin ko siya for the story, mas inaaral ko o mas pinapanood ko yung technicalities ng pelikula at saka yung pag-arte ng mga artista.
“Siguro po ako, baka kaya effective, kasi gusto ko po yung ini-imagine ko yung… kunyari, nakakuha po ako ng script o nabigyan po ako ng script at nabasa ko ganyan, minsan iniisip ko kung…
“Kinikilala ko yung character ko. Minsan nga po iniisip ko, ‘Ano kayang zodiac sign ntong karakter ko?’ Kasi minsan ganun, parang napi-pin point ko yung mga ugali nung characters. So I guess ganun.
“And I really try to put myself in the character’s shoes. As in pag umaarte po ako, binibigay ko po talaga yung 100 percent ko, hindi nagho-hold back. Tapos lagi ko pong iniisip na hindi ako si Nadine kung umaarte ako. Eto ako, ito yung character ko, hindi ako si Nadine,” sabi ng MMFF best actress sa thanksgiving party ng kanyang pelikula na prinodyus ng Viva Films mula sa ilalim ng direksyon ni Mikhail Red.
Pero bago ang magagandang nangyari kay Nadine sa 2022 ay aminado ang aktres na nawala ang passion niya sa pag-arte at sa mga ginagawa niya sa showbiz. Buti na lang daw at unti-unti rin itong bumalik dahil naging inspirasyon niya ang iba pang goals na gusto niyang ma achieve sa buhay.