Karamihan sa mga artista ngayon, may attitude problem. Kapag sumikat na, nag-iinarte na ang mga ito sa shooting or taping bitbit ang kani-kanilang make-up artist at stylist.
Tulad ni Nadine Lustre. Palibhasa sikat na, may personal stylist na siyang nag-aayos at nagbibihis sa kanya tuwing may shooting, taping, at product endorsement ito. Imbes na ang costume designer sa film production ang magsasabi at magbibigay sa kanila kung anong damit ang gagamitin sa eksena, hindi ito sinusunod ng dalaga.
Ipipilit ni Nadine Lustre sa costume designer ‘yung dala niyang damit ang gagamitin sa shooting. “May personal stylist ang young star, ito ang namimili kung anong outfit ang babagay kay Nadine for every scene with her approval kahit hindi bagay sa character na pino-portray niya ang suot nito,” tsika ng aming source. Sa isang comedy film, sa bahay ang eksena. Sabi ni Direk, pambahay lang ang isuot ni Nadine dahil bahay nila ‘yun sa pelikula. Pero nang lumabas na ang dalaga sa kanyang tent, naka-white lace short ito with signature blouse. Nagulat ang comedian na kaeksena niya pati ang director. Sabi sa kanya ng magaling na komedyante, “Rarampa ka ba sa mall?” Natawa na lang ang production staff.
Hinayaan na lang ng director ang outfit ni Nadine kahit hindi bagay sa eksena dahil gahol na sa oras at marami pang eksenang kukunan at mag-uumaga na. Idinaan na lang ng comedian sa dialogue ang suot ng dalaga, naging click naman ang dating sa manonood ng eksenang ‘yun. Maging kami ay natawa nang pinanood namin ang pelikula.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield