NAKANSELA ang presscon ng Viva Artists Agency (VAA) na dapat sana ay gagawin nung Friday, January 31. May suspetsa kami na tungkol kay Nadine Lustre at sa pag-alis niya sa Viva ang pag-uusapan. Bago kasi ang imbitasyon, may balitang magsasalita si Nadine sa TV Patrol pero nang abangan namin ito ay wala namang binanggit ang aktres – puro no comment lang.
Sa 20/20 Vision presscon ng Viva ay nabanggit ng Viva founder na si Vic del Rosario na may 7 pelikula pang gagawin sa Viva si Nadine. Pero choice niya raw namang tanggihan ito kung ayaw niya.
Ang magiging problema lang ni Nadine ay kapag tumanggap siya ng ibang projects na hindi alam ng Viva o siya mismo ang nakipag-negotiate. Tiyak daw kasing magdedemanda ito ng breach of contract dahil until now ay exclusive contract star pa rin ito ng VAA.
“Contrary to the press statement, Nadine [Lustre] remains an exclusive artist of Viva as she has a valid and subsisting management contract. Under the law, Nadine cannot unilaterally withdraw from her contract with VIVA.
“Any dealings or professional engagements entered into by Nadine, without consent or approval of VIVA, constitutes breach of contract.
“VAA will initiate appropriate legal action against Nadine and/or third parties that directly deal with Nadine in contravention of VIVA’s management contract,” inisyung statement ng Viva.
Dahil na rin sa naging desisyon ni Nadine, wala siya ni isang pelikula sa 34 movies na gagawin ng Viva ngayong 2020. Pero sabi nga ni Boss Vic, puwede pa raw naman nilang pag-usapan ang lahat at posibleng maayos pa ang sigalot.
Now, kung patuloy na magmamatigas ang ex-girlfriend ni James Reid ay malamang na maging frozen delight ito sa Viva.