VERY MUCH thankful si Nadine Lustre sa pagtanggap at ipinapakitang suporta ng kanyang fans sa bago niyang journey ngayon bilang aktres. Hindi raw talaga bumitiw ang kanyang mga supporters sa kabila ng kanyang mga pinagdaanan sa buhay.
Isang suspense thriller ang latest movie ni Nadine sa Viva films na ang title ay Greed. Malayo ito sa genre ng mga pelikulang ginagawa niya noon na puro romcom. Magkaganun man kahit goodbye na siya sa romcom at love team sa pelikula ay tanggap ito ng kanyang mga tagahanga.
“Love na love ko silang lahat dahil ang dami nating lahat na pinagdaanan the last four or five years. I guess bumagal ang takbo ng mga career ng maraming mga artista at tao sa industry.
“Sobrang grateful ako at sobrang swerte ko dahil nandiyan lang lahat ng fans ko with whatever decision I made with my life. Sobrang supportive sila talaga. At the end of the day, gusto lang talaga nila masaya ako. Na-appreciate ko sila talaga,” pahayag niya.
Kaagad din daw niyang nagustuhan ang istorya ng Greed nang una palang niyang mabasa ang script nito.
Sabi ng aktres, “Naisip ko sa sarili ko, this is really happening finally. Something that is not rom-com or not drama. It’s very bloody and violent. Walang censor si Direk Yam. He does everything and anything for art.”
Willing pa rin ba si Nadine na makatrabaho sa mga susunod na panahon ang ex-boyfriend at ka-love team na si James Reid na kasalukuyang nasa Amerika.
“I believe it depends on the story. At the end of the day kasi even naman si James, he’s very explorative with all the things that he wants to do. Let’s see if he’s still down to do movies.
“I’m sure if there’s a good script he’s probably game to do it. But for now, I feel like he really wants to focus more on his music that’s why he’s in LA [Los Angeles]. So ’yon. It depends, it really depends. We’ll see,” reaksyon ni Nadine.
Samantala, ang istorya ng Greed ay iikot sa mag-asawang nanalo ng jackpot sa lotto at nagplano na umalis sa kanilang hometown. Kaya lang, may mga bagay na nangyari na hindi umayon sa kanilang mga plano. If ever na mananalo ng jackpot si Nadine sa lotto ano ang gagawin niya sa premyo?
“Ako po talaga, gusto kong tulungan yung mga dog shelters. So gusto ko pong i-donate yung pera,” tugon niya. “I know it sounds like parang hindi siya believable na ido-donate ko lang yung pera, but sa akin po kasi yung pinaka-nagpapasaya sa akin is kapag nakakatulong ako sa ibang tao,” rason pa ng aktres.
Ang ibang bahagi rin daw ng kanyang mapapanalunan ay ibibigay din niya sa mga biktima ng giyera sa Ukraine at sa typhoon Odette victims.
Makakasama ni Nadine sa Vivamax original movie sa kauna-unahang pagkakataon si Diego Loyzaga. Ang pelikula ay mula sa direksyon ni Yam Laranas.