Pahiyang-pahiya ang isang hairstylist named John Valle sa social media dahil kinuyog siya ng lait ng JaDine fans.
Kasi naman, parang walang isip itong hairstylist na ito. Sukat ba namang i-blurred niya ang photo ni Nadine Lustre nang i-post niya ang FHM sexiest celebrities kabilang sina Jennylyn Mercado, Jessy Mendiola, and Nadine nga. With what he did ay nag-alsa ang JaDine fans at binash siya nang husto.
Ayun, John felt the pressure and apologized to Nadine and her fans. Ang paliwanag niya, gusto lang niyang i-highlight ang styling na ginawa niya kina Jessy at Jennylyn.
Gano’n? And he did at the expense of Nadine? Ayan tuloy ang napala mo.
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas