NGAYON LANG namin napagtanto kumbakit naka-hood si Matt Evans sa presscon ng The Reunion nu’ng Martes. Akala namin ay ginaw na ginaw lang siya sa loob ng Dolphy Theater.
‘Yun pala, meron siyang stitches sa kanyang ulo at medyo may “poklat” siya, dahil nabagok pala ang ulo niya during the basketball practice nila kasama sina Zanjoe Marudo at Ejay Falcon (bilang teammates sila sa Green Team) sa ginanap na Star Magic Games 2012 sa Celebrity Sports Plaza last Sunday.
Hindi rin nakalaro si Matt, dahil during the practice sa Valle Verde Subdivision, nadulas si Matt sa paghabol sa bola, nadapa at tumama ang ulo sa semento.
Agad namang sumaklolo ang mga kaibigan. Sina Ejay at Zanjoe ang kasama ni Matt patungo ng Medical City. Hindi lang namin alam kung sino’ng nagbayad ng hospital bills.
Echos lang. Basta ang importante, okey na si Matt at salamat sa Diyos at ligtas na ang bagets. Or else, ‘pag may nangyaring masama sa kanya, Juice ko po, mauudlot ang isang bonggang balitang inaabangan ni Matt this September.
Alam na.
ISYU PA rin sa twitterlandia ang tsikang Gerald Anderson at Sarah Geronimo. Pero mas sikat sa kanila si Mommy Divine na kumokontra sa pag-iibigan nila na nauwi rin sa wala at wagi pa rin si Mommy Divine.
Merong ibang nagtu-tweet na nagpagupit na naman daw ng hair si Sarah. Na kung paniniwalaan ang kasabihan, ‘pag nabibigo o nauudlot ang lovelife, kailangan ng new haircut.
Pero ‘yung ibang followers sa twitter, ang sabi, ang tagal nang picture ni Sarah na maikli ang hair, hindi raw ito recently nagpagupit.
Nu’ng araw kasi, nabalitaan naming si Sarah mismo ang naggupit ng sari-ling buhok nang hindi i-allow ni Mommy Divine ang pag-iibigan nila ni Rayver Cruz.
Karamihan sa mga nagtu-tweet ay nagpapasalamat sa amin sa “concern” na ipinapakita namin sa kanilang idolong si Sarah.
Pero ‘yung iba, hindi mo talaga ma-please at feeling talaga nila, ginagawan lang namin ng kuwento si Sarah at sinisiraan lang daw namin ang pamilya nito.
Juice ko, una, wala kaming planong manira ng isang pamilya. Ang sa amin lang, para sa karapatan ni Sarah bilang tao at bilang dalaga ang concern namin. Hindi namin sinasaktan ang dalaga. ‘Yung nanay niya mismo ang nananakit ng damdamin ng idol n’yo, dahil sa pagpipigil sa anak na mainlab ito.
Juice ko, ang dami nang ipinatikim na ginhawa ni Sarah sa kanyang pamilya, sana man lang, marunong bumawi si Mommy Divine sa anak. Ibigay niya ang tiwala niya kay Sarah at feeling namin, hindi naman ito sasayangin ng anak niya.
Lumalabas ngayong sa lahat ng pagpipigil ni Mommy Divine sa anak, hindi niya tinuturuang maging matibay ang anak niya, bagkus tinuturuan niya itong maging mahinang bata at marupok.
TANONG NGA lang namin: ma-runong bang humawak ng pera si Sarah? Tinuruan bang mag-transact sa bangko ang dalaga sa edad nitong beinte kuwatro? O, ang madir na ang gumagawa no’n?
Ano bang sports ni Sarah? Ma-runong ba siyang mag-volleyball o mas gusto ng nanay na nasa bahay lang ang anak niya kung wala rin lang gagawin at mag-vocalize na lamang doon?
Nakagimik na ba si Sarah kasama ang kanyang mga friend? O, ayaw pa rin ni Mommy, dahil paniniwala nito’y baka maimpluwensiyahan ang anak?
Juice ko, Mommy. ‘Wag kang mamamatay, ha? Kasi, ‘pag nawala ka, mapipilay si Sarah, dahil hindi mo tinuruan ang anak mo na kapag nadapa ay dapat tumayo.
Hay, nako… aanhin ni Sarah ang maraming pera kung hindi naman niya nae-enjoy ang buhay niya bilang bata habang nagtatrabaho para sa pamilya niya eversince.
At ano ba ang ginagawa ng tatay? Me sey ba ‘to o lahat, si Mommy Divine ang final say? Ine-enjoy n’yo ang “blessings” ni Sarah, pero hindi n’yo man lang “binabawian” ‘yung bata ng mga bagay na gusto nitong gawin.
So, kung ayaw nilang ibigay ang tiwala sa bagets, ano’ng ibig sabihin no’n? Wala kayong tiwala kay Sarah, gano’n?
Oh My G!
by Ogie Diaz