KAHIT nasa bakuran na ng ABS-CBN si Ryza Cenon, para sa amin, siya pa rin si Georgia, ang karakter niya sa successful drama series ng GMA-7 mula 2016-2018 na Ika-6 na Utos kung saan talagang kinarir ng dalaga ang pagiging kontrabida niya kay Sunshine Dizon.
In real-life, mukhang nagagamit na ni Ryza ang pagiging ‘Georgia’ niya pagdating sa pakikipagdeal sa mga bashers na wala sa lugar.
Sa Jack Em Popoy: The Puliscredibles, si Ryza ang isa sa mga main villains at isa siya sa mga representatives ng pelikula na umattend sa MMFF awards night. Puro patutsada ang mga fans (nga ba?) ni Maine dahil lang hindi na-mention ang pangalan ng kanilang idol sa acceptance speech na hindi naman si Ryza ang nagsalita. Kung anu-ano nang paninira na kesyo insecure daw kay Maine ang dating Kapuso actress.
This didn’t sit well with Ryza. Narito ang series ng tweets ng aktres:
“Hi sa lahat ng fans ni @mainedcm na nagagalit sakin dahil hindi ko daw nabanggit ang pangalan nya. Linawin ko lang hindi ako ang tumanggap ng FPJ Memorial Award at pakinggan nyo rin kung ang sinabi ni Ms. Camille ang sabi nya “Sa ngalan ng aming Producers” kaya wag manghusga agd
“I will not ignore that kind of mentality. Unfair sa mga taong nananahimik tapos idadamay pangalan mo sa hindi mo ginawa. No!!! That’s bullying!! #notobullying” pag-aalma nito.
Nang uraritin pa ng netizens na dapat ay ipaalam kay Maine ang nangyayari, sumagot ito ng: “Yes kailangan nyang malaman. Concern ako sa kanya kasi dapat ang mga fans alam nila dapat ang ginagawa nila dahil bawat bash nila sa ibang tao nag rereflect sa idolo nila yun. At para mapagsabihan din nya. @mainedcm “
“Kaya dapat sa mga totoong fans maging careful kayo sa bawat salitang sinasabi nyo at sa mga demands na gusto nyo dahil hindi lahat mabibigay sa inyo. At kung mahal nyo mga idolo nyo matuto kayo rumespeto sa ano ang nakikita nyo good side lagi ang tingnan nyo.
“Don’t be hindi ko nilalahat ang fans ni maine mas madami kayong nagmamahal sa kanya. Basta alagaan nyo sya kayo din magdadala sa kanya sa paningin ng ibang tao. Wag nyong hayaan yung ibang fans/bashers na sirain si maine dahil sa masama nila ugali pleaseee. Di nya deserve yun.
Nang may isang netizen na tinawag si Ryza na ‘tanga’ for tagging Maine, rumesbak ito ng: “Mas tanga ka isa ka ba sa mga fans na nagpapanggap?”
Beast mode na nga. Georgia mode ON! May ilan din na followers who was trying to calm her down na kesyo dapat masanay na siya dahil parte ito ng showbiz.
“Yes part ng pagiging artista ang magbigay ng reviews sa ginagawa naming trabaho. Pero sirain ka at sisihin ka sa hindi mo ginawa hindi part yun ng pagiging artist dear paninirang puro yun magkaiba yun. Wala kang alam kasi wala ka sa lugar namin. “
Tinapos ito ni Ryza ng: “Ok lang ako. Happy new year mga bashers magbabagong taon na, baguhin nyo na rin yung makikitig nyong utak. Lagyan nyo ng laman yan… yung makabuluhan naman.okidokie? God bless you all!!! “
As of writing ay wala pa kaming naririnig na feedback mula sa kampo ni Maine Mendoza. Sana’y hindi ito makaapekto ng malaki sa kanilang friendship lalo pa’t mukhang nagkaroon sila ng solid bond while filming the movie as seen on their IG story updates while shooting.