LAST FRIDAY, na-highblood ang PMPC President na si Roldan Castro who twitted na sakit sa ulo ang talent manager na si Arnold Vegafria and talent niya na si John Prats.
Last minute, binigyang problema ang PMPC at Airtime Marketing who produced the show dahil nag-back-out si John sa production number niya for reason na he thought November 18 was a Saturday at may dadaluhan daw siyang kasal sa November 18.
You call it stupidity or just another alibi ng mga pabayang manager at mga walang kuwentang talent.
Sabi ko nga kay Roldan, next time, deal with professional talent managers who can handle their talents’ schedule and stand by what they have confirmed and finalized at sa mga talent na marunong magpahalaga sa kanilang commitment.
Sa darating na Pasko, I suggest regaluhan mo ang dalawa ng mala-king kalendaryo para alam nila ang difference between a Saturday and a Sunday.
Wonder why hangang sa telebisyon na lang si John Prats at sa tanda niya ay pasayaw-sayaw na lang ang ginagawa niya. Kung kalian tumanda, doon pa nag-inarte.
Maganda sanang exposure for John ang dance numbers nila ng iba’t ibang mga male talents ng iba’t ibang mga TV networks.
WE WOULD like to congratulate the winners sa nakaraang 26th Star Awards for TV held last Sunday November 18 at the Ateneo.
Proud kami sa anak-anakan naming si Arjo Atayde who won as Best Male TV Personality for his stunning performance in MMK’s ‘Bangka” episode.
During his acceptance speech, halatang blanko si Arjo. He was surprised dahil nabigla siya. Kabado siya that night at walang tigil ang kuyakoy.
Happy rin kami sa pagkapanalo ni Ibyang, that’s how I call my friend Sylvia Sanchez sa kanyang pag-arte sa MMK sa episode na “Aswang”.
Sayang, Ibyang who was in a flaming red backless gown ay nakaalis na sa awards venue bago pa man nai-announce ang name niya as winner.
She has to rush to the international airport for her flight to the Holy Land with husband Art Atayde.
Her daughter Ria delivered a touching speech on behalf of her mom, same with Gella na bunsong anak na babae ng aktres.
Both Mother and Son were winners and took home the bacon that night.
Isa rin sa gusto naming batiin ay si Divine Lee who was named Best New TV Female TV Personality.
Sa speech ni Divine, pangako niyang pagbubutihin pa nang husto ang kanyang trabaho now that she is a regular co-host and segment host at the same time for TV 5’s Ang Latest.
Aliw rin nang mag-tie sina Ruffa Mae Quinto at Pokwang as Best Comedy Actress for Bubble Gang and Toda Max respectively. Naging instant stand-up comic show bigla ang kanilang presence on stage.
Happy si Robin Padilla who was with wife Mariel Rodriguez for winning Best Male Comedy Actor. Double celebration ‘ika nga niya dahil this month ay 1st year anniversary ng Toda Max sitcom nila nina Pokwang at Angel Locsin.
Speaking of Angel, super sexy siya sa suot na gown. Nagpapayat talaga siya at halos more than 10 pounds ang nabawas sa kanyang timbang compare sa last time namin siya nakita. Fabulous din ang black gown ni Kris Aquino who hosted the first part of the awards night with Aga Muhlach and have to leave dahil live telecast ang morning show niya the following day.
Si Toni Gonzaga, as expected, bongga ang black and silver sequinned body hugging gown niya na plunging ang neckline, huh!
In fairness, si Nora Aunor in her lavender 2 piece outfit na tipong suit ay bagay sa kanya. Dapat kung sino man ang stylist ni Guy ay gawing peg ang suot niya that night.
Pero kapuna-puna kung gaano kabastos ang ilang mga Noranians na nandu’n sa venue that night. Kung hindi ako nagkakamali, they are from the group GANAP, Inc. na sa pagpasok ni Nora sa venue, walang puknat ang kasisigaw nila ng panganlan ng idol nila habang may nagsasalita on stage.
Nora should tell her fans to behave at baka makinig sila sa kanya at maturuan ng proper way on how to behave in public. Paging Vonnel and Alver Sunga, do something!
Reyted K
By RK VillaCorta