SABAY na pinanood ng real life couple na sina Barbie Imperial at Diego Loyzaga ang first movie nila together sa Viva na Dulo sa ginanap na special screening nito sa Fishermall Cinema.
Ang Dulo ay isang relationship movie na idinirek ni Fifth Solomon na very light lang ang simula. Ginagampanan ni Diego ang karakter ni Dex at si Barbie naman ay sa role ni Bianca. They were both in their early 20s nang magkakilala sila sa pamamagitan ng isang dating app na nauwi agad sa sex hanggang pareho silang magdesisyon na mag-live-in na and eventually magpakasal.
Everything in their relationship seems fast-paced. After one year of marriage, dito na nila hinarap ang iba’t ibang challenges ng pagiging buhay mag-asawa.
Makikita sa simulang bahagi ng pelikula kung gaano ka-sweet bilang baguhang couple sina Barbie at Diego. Maraming eksena ng lambingan, halikan, at kulitan. Naging very effortless ang naturang mga eksena na hindi na talaga nila kailangang umarte pa dahil real-life couple nga sila.
Pero habang nadisdiskubre nila ang pagkakaiba ng isa’t isa at mga kakulangan sa tinatawag na self growth ay unti-unti na ring nababalot ng selos ang kanilang relasyon na kadalasan ay nauuwi sa matinding away. Feeling kasi ni Barbie ay hindi pa niya nagawa ang maraming bagay para sa sarili simula nung ikasal ito kay Diego na masyado namang dependent sa kanya sa maraming bagay.
Ang pagdedisisyon ni Barbie na magtrabaho sa Singapore sa udyok ng ex-boyfriend niya ang matinding ikina-insecure ni Diego. Dito na nagsimula ang kanilang matinding confrontation.
Wala mang pisikalang nangyari sa kanilang mga pag-aaway pero grabe kung pagmumurahin nila ang isa’t isa. Umaatikabong f__k you, sisihan, sumbatan ang kanilang pinakawalan. Literal na mapapagod ka talaga sa klase ng relasyon na meron sila. Dumating din sap unto na pareho nilang sinabi na “nakakapagod kang mahalin.”
Sa confrontation nina Barbie at Diego sa Dulo ay naipakita nila kung gaano sila ka-mature bilang mga artista. Ang galing ni Barbie sa pagbibitiw ng kanyang mga linya kasama ng nararapat na emosyon dito. Ngayon lang namin nakita sa ganito ka-mature na role si Barbie. Napakahusay ng kanyang pag-arte.
Well, hindi rin naman nagpahuli si Diego sa kanyang mga eksena sa Dulo though medyo inconsistent siya in some parts pero konti lang naman yon. Diego’s best scene for me ay do’n sa part na iniwanan na siya ni Barbie pagkatapos ng kanilang break-up. Hindi malaman ni Diego ang kanyang gagawin on that moment. Ang galing ni Diego habang sinisisi ang sarili at hinihintay na sana ay sagutin ni Barbie ang kanyang phone calls. Wow!
Congratulations sa direktor ng pelikula for bringing the best in Barbie and Diego’s performances. Real emotions kasi ang nakita sa kanila na siguradong maraming young couples ang makaka-relate. Dahil sa pelikulang ito, nakatawid na sina Diego at Barbie sa mga pa-tweetums na role.
Anyway, aside from Barbie and Diego’s first movie team-up, another thing to look forward to in Dulo is the official soundtrack of the movie – ang Anghel at Dulo – na kinanta ng The Juans. The lyrics and the music of the song makes every scene more moving and heartbreaking.
Kung ano ang magandang lessons na matututunan sa Dulo ito ay ang huwag magmadali pagdating sa pag-ibig. Importante rin na maging stabe muna emotionally and financially ang magkasintahan bago sila magdesisyong mag-settle down.
Palabas na ngayon sa Vivamax ang Dulo.