NALINTIKAN NA naman si Willie Revillame sa nakita ng MTRCB sa show niya noong nakaraang Lunes, April 16, kung saan ang baguhang dancer niya sa noontime show niya na Wowowillie na ang pangalan ay Charm ay agaw pansin ang napakalaking bumper nito na na-ging focus ng playtime ng host sa harap ng live audience, sa kabila ng MTRCB warning na ang show niya ay PG (Parental Guidance).
Hindi lang ito ang una. Madami na mga offense ang show ni Willie na hindi lang masyado napapansin. Mula sa mga super sexy outfits at ang pagpapakita ng sobrang “laman” ng mga dancer niya na para sa isang pantanghaling palabas (with young children na nanonood), sobra nga naman ito.
From PG, on probation ngayon ang show ng komedyate-host to SPG (Strong Parental Guidance) rating.
Ang alam ko, nag-undergone ng isang gender sensitivity seminar si Willie at mga staff nito kamakailan after bakbakin niya live on air sina Ethel Booba at Ate Gay na opinion ng marami ay sobra na.
Kaya nga kung ikukumpara mo ang show niya sa Eat Bulaga, ang layo. Positive ang mga reaction ng mga manonood sa show ng TAPE, Inc.
SPEAKING OF Eat Bulaga, natutuwa kami sa mga pakulo nila. Matagal na pala ‘yong EBest scholars nila na kami mismo ay natuwa sa public service na ginagawa ng nangungunang noontime show sa bansa.
Noong 2009 pa nagsimula ang scholarship program nila for deserving students, ayon kay Malou Choa-Fagar.
Now na mga high school graduate na sila at nalalapit na ang pasukan sa kolehiyo, tuloy pa rin ang scholarship grants nila sa 30 students from different parts of the country.
Supurtado ng Eat Bulaga at ang producer nito, ang TAPE, Inc., ang mga mag-aaral sa gusto nilang kurso sa college.
Kung titingnan mo ang Eat Bulaga, iisipin mo na isang regular game show lang ito na ang mga tao, nag-e-enjoy sa kanilang mga games (I personally love their Pinoy Henyo segment) at siyempre sa mga malalaking premyo.
But go deeper, may commitment sila sa manonood. They share what they got from the public (with a a high rating and lots of commercial loads) they are giving it back.
Pati nga ‘yong segment nila na All For Juan na sa lahat na magpa-participate ay dapat may bitbit na mga plastic (pet) bottles, nare-recyle pala ‘yung mga plastic para maging school chairs.
Kung panonoorin mo sina Wally at Jose, may mensahe na itinatawid ang mga host na mag-recycle dahil puwede pang pakinabangan ang mga ito na inaakala naman natin ay basura.
Kahit maglokohan man sila (personally hindi ko masakyan ang humor ng dalawa) at mag-ungguy-ungguyan, iisa pa rin ang gusto nilang ipaabot, ang makatulong.
Bad man i-compare ang Eat Bulaga sa Wowowillie, but ito ang realidad – mas makatotohanan, mas nakakatulong (hindi dole-out) at mas may mensahe ang EB kaysa sa show ni Willie sa publiko.
NGAYONG TAPOS na ang show niya na Kailangan Ko’y Ikaw with Robin Padilla and Anne Curtis, tila may ibang pagkakaabalahan si Kris Aquino, ang preparasyon ng pagpapagamot ng anak niya sa aktor na si Philip Salvador na si Josh come June.
AD-HD (Attention Deficit
Hyperactivity Disorder) pala ang tawag doon sa estado ng anak ni Kris Aquino na si Josh.
Ang usual characteristic ng may ganitong uri ng sakit ay wala itong eye contact.
‘Pag nagkataon, right after her showbiz commitments at contract sa Kapamilya Network, tila mapo-focus ang Queen of All Media sa pagpapagamot sa panganay na anak dahil kakailanganin nito ang full attention habang nasa ospital at nagpapagaling si Josh.
Sa Singapore ipagagamot ni Kris si Josh. Sa kanya kukunin ang bioligical cell na gagamitin sa pagpapagamot sa anak.
Reyted K
By RK VillaCorta