WALANG balak umalis ng GMA-7 si Alden Richards. In fact, nag-renew siya ng kontrata sa TV network nung Tuesday afternoon (Sept. 3) na sinundan ng isang pocket presscon.
“Sumugal po ang GMA na bigyan ako ng ganoong opportunity and then, after Alakdana po, that first job with Direk Mac Alejandre, nagtuluy-tuloy na siya at this point,” pagre-recall ni Alden sa naging pagsisimula niya sa GMA.
Hinahayaan din daw ng network na mag-grow siya as an actor at malaki ang pasasalamat niya dito.
“Ang maganda po kasi sa network, pinapakinggan nila ang boses ng mga artista. Hindi po kung ano ang sabihin ng network, kailangan mong gawin kahit labag sa puso mo.
“’Yun po ang pinapaka-appreciate ko sa kanila. Binibigyan nila ako ng opportunity na mag-input sa proyektong ginagawa ko and sa ganon parang nabibigyan kami ng paraan, confidence na magbigay ng idea kung ano pa po ang puwede naming magawa sa role at sa projects namin kaya gusto naming gawin ang projetcs na pnapagawa sa amin,” sambit pa niya.
Na-appreciate din ni Alden ang ginawang pagpayag ng kanyang home network na gumawa siya ng pelikula sa Star Cinema kapartner si Kathryn Bernardo. Box-office hit ang Hello, Love, Goodbye at ngayon ay may hawak ng record bilang highest grossing Filipino film of all time.
“Siyempre, I really thank Star Cinema, most especially po pinayagan ako na gawin ang pelikula, ang GMA na talagang hinayaan lang nila akong gawin ang proyekto.
“Kasi ‘yon po agad ang tanong sa akin (ng GMA), ‘Gusto mo bang gawin?’ Sabi ko, ‘Opo, gusto kong gawin.’ Tapos cut to ngayon. Heto na po siya,” lahad pa ni Alden na may bagong title ngayon as Asia’s Multimedia Star.
La Boka
by Leo Bukas