NGAYON na tapos na ang halalan at nare-elect ang kaibigang Richard Gomez muli sa pagka-Mayor ng Ormoc City, akala ko pwede na muli maging aktibo si Mayor Goma sa showbiz.
Matapos ang pelikula nila ni Sharon Cuneta with Kathryn Bernardo na partly shot in Ormoc and nearby places ng lungsod, ang akala ng mga fans ng dating aktor ay pwede na ito muli maging aktibo sa showbiz.
Yun pala, not at the moment dahil madami pa siya dapat ayusin sa mga projects na nasimulan niya na dapat niya ipagpatuloy for his city at sa kanyang mga constituents.
Sa exclusive interview namin kay Mayor Richard, sa pagbabalik aktibo niya sa showiz: “Not at the moment. Not even a teleserye dahil mahirap sa schedules ko. I need to be in Ormoc. Stay in Ormoc. Kapag serye kasi, nasa Manila and you need to do tapings at least 4 times a week na mahirap gawin. Hindi ako pwede mag teleserye kasi hindi ako pwedeng mawala sa Ormoc as Mayor. Kailangan lagi akong naroon. Kung May dumating na maganda ng script at kung may oras ako, why not?” sabi niya.
Sa katunyan, mula nang maging public servant siya ng lunsgod, focused si Mayor Goma sa kanyang gawain at hinayaan muna ang kanyang pagiging aktor (except sa pelikula nila ni Mega na sa Ormoc nag-shooting), making their city the best place to live in Eastern Visayas.
Impressive ang Ormoc City after his first term (3 years) dahil from a sleepy town na dinaanan ng isa sa mga malalakas ng bagyo at lindol na aakalain mo na wala nang pag-asa at aasenso ang Ormoc na malaki ang ipinagbago ayon sa kaibigan namin na travel agent na si Marianne Malinao-Tismo (Amkor Travel) na happy sa mga natatangap niya na mga travel bookings from local ang foreign tourist dahil sa patuloy na pagdagsa ng tourist weekly. Hindi kami nase-zero ng bookings since pinaganda ni Mayor ang Danao Lake at mga beaches sa kinasasakupan ni Mayor Goma.”
Sa patuloy na pagbabago for the better ng lungsod: “More tourists mean more jobs. More work. This is my priority now na ipagpapatuloy ko,” sabi nito.
Sa kanyang karanasan sa local politics, isa lang ang masasbi niya: “Madumi ang politics kasi madali para sa ibang tao ang gumawa ng istorya. Kahit hindi validated basta makagawa lang sila ng banat. Kahit magdemanda ka ng libel ang sa sasabihin ng judge sa iyo ay dapat hindi ka onion skinned kasi public office yan,” sabi niya.
Wala man mga death threats tulad sa ibang mga public servant-politicians noong nakaraang election ay handa si Mayor Goma para sa mga mahal niya sa buhay na maaaring gawin ng kalaban.
“Alam ko na capable sila ng ganun kaya ako at ang aking mga kasama, handang lumaban ng harap harapan kung anuman ang dumating. Hindi ako magpapauna at alam nila yon anytime I am capable of striking them.”
Last week ay nai-proclaim na ng COMELEC si Mayor Richard at 4th District ng Leyte Congresswoman Lucy Torres sa mga posisyon nila as public servants. Congatulations.
Reyted K
By RK Villacorta