SA SHOWBIZ, simple lang ang intriga na nakakaharap ng mga artista. Mga tsismis na puchi-putchi na after mapagusapan ng isang linggo ay panis na at kusa na lang nawawala o naglalaho.
Hindi harmful ang mga intriga at tsismis na for sure, pakiwari ng artista na involved ay lilipas din ang mga yun at makakalimutan din ng mga fans.
Hindi tulad sa intriga sa politika na kung mahina-hina ka ay magigimbal ang mundo tulad sa kaso ng aktres na si Aiko Melendez na karelasyon ang isang local politician sa isang bayan sa Central Luzon na todo kayod ang aktres sa pagpo-promote na mailuklok ang boyfriend na after the May 13 election last Monday, nagbunga naman ang effort ng aktres na maihalal ng taumbayan ang boyfriend niya na ngayon ay Vice Governor ng Zambales.
During the campaign si Aiko na ang nagpapa-photo-op with matching sangol na kinakarga na tipikal at gasgas na photo-op spin sa mga kumakandidato.
Pero ang malala since she started helping her boyfie, pati siya naiintriga.
Malala ang isyu laban sa aktres na todo buhos ang effort na inilalakad ang boyfriend sa mga kinasasakupan nito.
Drugs ang isyu na kinasasangkutan ng boyfie niya na todo tanggi at dinidepensahan ng aktres.
As expected, basta sa usaping “pag-ibig”, expect Aiko to be passionate sa ginagawa niya. Expected na “all mine to give” ang hitad basta sa pag-ibig.
Reyted K
By RK Villacorta