NAGPAHAYAG NA NG pagbati si Senador Mar Roxas kay Senador Noynoy Aquino bilang bagong halal na Pangulo ng bansa.
“Binabati ko po ang aking standard-bearer, si President-elect Noynoy Aquino. Wala na pong duda sa kanyang tagumpay. From day one, the success of his campaign has been as important to me as the success of my own. Karangalan ko po ang maging bahagi ng isang matagumpay, tapat, at malinis na kampanya. Karangalan ko po ang patuloy na pagtulong sa tagumpay ng sambayanang Pilipino sa pamumuno ng administrasyong Aquino,” pahayag ni Roxas.
Nagpasalamat din ang senador sa mga taong taos-puso at matiyagang pumila para bomoto at mabilang ang boto, at sa humigit-kumulang 14 na milyong sumuporta sa kanyang kandidatura at maging sa humigit-kumulang tatlong milyong Pilipinong hindi nabilang ang boto sa Congressional Canvass. Ipinangako rin nito na hindi tatalikuran ang kanyang sagradong obligasyon.
“Utang ng loob ko po sa inyo na ipaglaban ang isang matapat at kumpletong bilangan, kasama na ang pag-usisa sa napakalaking bilang ng null votes sa eleksiyon sa pagka-Bise Presidente. I have instructed my lawyers to gather records and evidence, and to study and prepare towards the possibility of filing an electoral protest. We have 30 days to do this. I owe it to our people to ensure that the electoral process will truly be an instrument of their will. Nananatili pong bukas ang pinto sa anumang pagkilos na hihilingin sa akin ng humigit-kumulang sa labing-apat na milyong Pilipinong sumuporta sa ating kilusan para sa makabuluhang pagbabago,” diin ni Roxas.
Ipinangako rin nito sa mamamayan na hindi niya tatalikuran ang kanyang prinsipyo na naging gabay niya sa kanyang buong panahon sa pulitika sa bansa.
Unang nagpahayag si Senador Jinggoy Estrada na handa na ang statement ng kanyang ama na si dating pangulong Joseph Estrada at ito ay ipinababasa kanya.
Si Erap ay nasa labas ng bansa, matapos ang pagkatalo nito sa nakalipas na eleksiyon. (Cynthia Virtudazo)
Pinoy Parazzi News Service