MATAGAL NA naming nasulat ang pagrerebelde ni Sarah Geronimo sa kanyang madir na si Divine.
We know for a fact na talagang iginigiit na niya ngayon sa kanyang mother dear kung ano ang kanyang gusto. Madalas kasi ay nakakontra ang kanyang ina sa kanyang mga type na isuot, type bilhin at kung anu-ano pa. It was as if sa nanay niya manggagaling ang pera, eh, hindi naman. Dahil wala naman itong malaking income na katulad niya na milyones.
But what we heard lately ay tila talagang nagiging palaban na raw si Sarah. Kapag may pinagtatalunan daw silang mag-ina ay nakikipagsigawan na raw ito.
True ba ito, Sarah?
Kung sa bagay, hindi natin masisisi si Sarah. Siya na nga naman ang nagtatrabahong parang kabayo para sa kanyang pamilya, pero puro pagtutol pa ang kanyang natatanggap sa kanyang ina.
Nabasa naming nagkasagutan daw ang mag-ina sa dressing room ni Sarah sa ASAP. Hindi yata type ni Divine ang make-up at outfit ni Sarah kaya naman sinabi niya ang kanyang pagtutol.
Probably miffed by her pakikialam, sumagot na rin daw si Sarah na pabayaan na lang siya at iyon ang gusto niyang suotin. Ayun, medyo nagkasigawan daw ang mag-ina. Hindi nga lang namin alam kung sino sa kanila ang nasunod, si Sarah na nagpapalamon sa kanyang ina o si Divine na sobrang pakialamera.
MARAMI ANG nakapapansin na tila walang magandang palabas ngayon sa Siyete. Ang daming shows na nila ang nasibak at mas marami ang hindi nagre-rate.
Sa early morning slot ay hindi pa rin mapataob ni Ryzza Mae ang Be Careful With My Heart. Napanood namin minsan ang Mother’s Day episode ng show ni Ryzza with Mommy Carol, madir ni Judy Ann Santos, as guest. Okay naman ang kakuwelahan ni Ryzza but something’s missing. Parang may kulang pa rin sa kanya.
Last episode na this Sunday ng Party Pilipinas at ewan kung ano ang ipapalit nilang show. Nagbabu na rin sa ere ang H.O.T. TV two weeks ago.
Lately, marami ang nakapansin na puro movies ang ipinalalabas ng Siyete sa mga nagsara nilang show. With this, baka maging movie channel na lang ang GMA, hindi kaya.
Sa primetime naman ay hindi pa rin sila makaabante sa Dos, palaging kulelat ang kanilang mga soap.
Sabi sa press release ay number one ang GMA-7.
Kelan? Saan? Paano? Ano kayo, hilo?
Baka nangangarap ang PR head ng Siyete na si Angel Javier. Naku, Angel, sleep ka muna nang managinip ka nang maganda.
NAAAWA KAMI kay Sid Lucero. Hindi kasi siya pinayagan ng GMA na dumalo sa Cannes International Film Festival.
Sid was cast in two Pinoy movies na napili bilang entry sa Cannes, ang Death March ni Adolfo Alix, Jr. at ang Norte, Hangganan ng Kasaysayan ni Lav Diaz.
Siyempre ay excited na excited si Sid because it’s a big honor nga naman na meron kang entry sa Cannes na hindi lang isa kundi dalawa pa.
But his excitement waned nang hindi siya pinayagan ng Siyete na dumalo sa Cannes. Meron kasi siyang taping ng soap nila ni Richard Gutierrez.
Although hurting ay nagpaka-professional na lang si Sid. Wala nga naman siyang magagawa, ‘no.
Malaking panghihinayang siguro ang nadama ni Sid dahil hindi siya makadadalo sa Cannes na para sa iba ay once-in-a-lifetime experience ng mga artista. The most prestigious festival kasi ang Cannes.
KJ talaga itong GMA na ‘to!
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas