SIMULA noong nakaraang taon, dumarami na ang negative feedback tungkol sa professionalism ng real-life couple na sina James Reid at Nadine Lustre o kilala bilang JaDine.
Kung noong nag-uumpisa pa lang silang sumikat ay todo papuri ang mga tao sa kanilang talent sa pagkanta, pagsayaw at pag-arte plus their wholesome image, ngayon ay sandamakmak na feedback na mostly ay negative ang nalilikum related to the couple.
Last year, walang pelikulang prinoduce ang Viva Films for the two. Si James Reid ay nakapag-release ng album na siya at ang mga kaibigan niya ang producers. Si Nadine Lustre naman ay nagkaroon ng personal problems at hindi napigilan na pumatol sa ilang isyu na pinupukol sa kanya.
Nagkaroon din ng isyu tungkol sa hindi pagsipot ni James sa ilang live shows ng It’s Showtime na kahit ang co-host na si Vice Ganda ay hindi napigilang mag-side comment.
This year supposedly ay aarangkada na sana ulit ang karera ng dalawa. Nar’yan ang kanilang concert show na Revolution at nagkaroon na rin ng meeting para sa new teleserye na si Direk Dan Villegas ang hahawak.
Ang pinaka-inaabangan ng lahat ay ang comeback movie nila with the title “Never Not Love You” under the direction of Antoinette Jadaone, na isa sa mga taong naging dahilan kung bakit sila minahal ng masa (siya ang director ng On the Wings of Love at ‘Till I Met You).
Ilang buwan na rin namin sinusubaybayan ang updates ni Direk Tonet tungkol sa JaDine project at nakapunta pa nga ito sa London para mag-ocular.
Sa kanyang recent blog post ay inamin nito na nagiging “erratic” na ang progress ng pelikula:
“Filming for #foolishmovie is becoming erratic. Sayang, andun na ang momentum eh.
“More and more shooting days cancelled – some reasons more heartbreaking than others, so heartbreaking they make me cry.
Or maybe I am just being overly dramatic, or that’s just really how I value pelikula.”
Gets namin ang frustrations ni direk. Unfair din naman ang ilan sa mga fans na nagsasabi na sana raw ay hindi na inilabas ang saloobin niya.
Well, she has the right to do so. Mabuti na rin na sa kanya na mismo nanggaling dahil napapansin na rin namin na parang hinahayaan lang ng management ang JaDine na gawin ang gusto nila. Napagsasabihan pa ba sila? Nagagabayan ba sila ng tama?
Okay lang pumarty, basta mag-report sa trabaho na nasa tamang kundisyon at huwag maging pasaway. Huwag maging selfish at dapat hindi iniispoil ang mga talents kahit pa sabihin na sila ang pinakasikat sa inyong kuwadra.
Kung ganito rin lang ang mangyayari sa proyektong napaka-promising, mas mabuti pang kumuha na lang ng ibang artista. Sayang eh.
Aabangan namin ang developments sa kaganapang ito.