BLIND ITEM: NAKU, tiyak na malulungkot ang mga bading sa itsitsika namin sa kanila. Sana, hindi ito true, at sana nga, sinisiraan lang siya ng aming kausap.
‘Eto nga ang tsika. Instantly ay u-maani ng mga gay at female fans ang isang produkto ng isang contest sa telebisyon. Hindi man siya pinalad na magwagi eh, kuha naman niya ang mga girls at mga gays dahil sa ang guwapo naman talaga ng face nito, in fairness.
Pero me nagtsika na meron daw itong dyowang isang “bi” at very discreet naman daw ang kanilang paglabas-labas at pagkikita kapag nagkakakembutan na.
Samakatuwid, si guwapong bagets ay isa palang – kung paniniwalaan ang aming source – “kapwa ko, mahal ko” rin ang hanap?
Hindi na muna kami magbibigay ng mga bonggang clue. Ire-research namin ito kung true. Basta kami’y nalungkot din, dahil kahawig pa naman nito ang guwapong young actor na balitang “napapariwara” naman ang buhay kaya walang career.
So ang initials pala ng kanyang name ang nagbubuko sa kanya?
Oh, no!
HALOS LAHAT NG mga reporter ngayon, nakatuon ang spotlight sa Superstar na si Nora Aunor. Mararamdaman mo talaga kung gaano kainit ang pagtanggap sa pagbabalik ni Ate Guy.
Wala namang problema roon, dahil noon pa naman, kahit ang madir ko, abang na abang ke Ate Guy, eh.
Kaya lang, hindi lang namin maiwasang magtaas ng kilay hanggang 10th floor. Ang bangu-bango ni Ate Guy ngayon, samantalang nu’ng wala pa siya rito at namamalagi pa sa US, kung anu-anong nababasa naming pang-iintriga sa kanya ng ibang reporter.
Nariyang i-blind item pa siya na fee-ling namin that time, dapang-dapa na nga ‘yung tao, tinatadyakan pa ng mga isyung halos nagpapalimos na raw si Ate Guy sa US.
Na kung kani-kanino umuutang para lang ipatalo sa casino. Ilan lang ‘yan, pero parang hinusgahan na ang Superstar. Pinagtatawanan pa sa mga blind items.
Tapos, kung sino pa ‘yung mga nagba-blind item ke Ate Guy, ‘yun pa ang dalawang kamay na excited kuno sa pagbabalik ng Superstar.
The height of kaplastikan, ano?
Pero kung sa puso ni Ate Guy ay kapatawaran para sa mga taong ito ang namamayani, maganda ‘yon. At least, ‘yan ang totoong walang hatred na itinatanim sa puso.
DAHIL NAG-SORRY NA si Candy Pangilinan ay okay na rin kay IC Mendoza. Dinibdib talaga ni IC ‘yung pagmumura sa kanya ni Candy nu’ng magkita sila sa isang bar sa Ortigas at medyo nakainom si Candy.
Kaya ‘wag nang palalain ng ibang tao ang away. ‘Pag humupa na, ‘wag na kayong um-OA. Hindi n’yo naman battle ‘yan. Battle ‘yan ng ibang tao.
Kung ‘yun ngang may-ari ng battle, okay na sa kanya, dapat pa bang sumawsaw sa isyu ang ibang tao?
WALANG TWITTER ACCOUNT sina Piolo Pascual, Enchong Dee, Billy Crawford at Vhong Navarro. Ang dami nang kumu-convince sa kanila, pero as of now, hindi nila feel to have an account.
Si Papapi, ang alam namin, meron siyang account sa instagram since mahilig siyang magkukuha ng retrato.
Kami naman, merong Twitter account (kahit hindi n’yo itanong), just follow us sa @ogiediaz at meron din kaming FB fanpage (The Ogie Diaz) at follow n’yo rin kami sa www.ogiediaz.blogspot.com.
Ia-announce namin soon ang aming bagong project kung saan magkakabalitaan na tayo araw-araw… live!
Me gano’ng factor?
Abangan!
Oh My G!
by Ogie Diaz