NARITO ANG ilan lamang sa mga sumbong na ipinadala sa pamamagitan ng aming text hotlines na 0908-87-TULFO at 0917-7-WANTED.
Isa po akong concerned citizen dito sa Alabang, Muntinlupa, pakitulungan naman po akong makalampag ang mga kinauukulan. Dito po kasi sa ilalim ng tulay papasok ng expressway ay maraming batang hamog diyan na nanghahablot ng bag at cellphone sa gabi. Sana po ay maging alerto ang kapulisan dahil malapit lang naman po ito sa police outpost.
Gusto ko lang pong i-report sa inyo ang isang barangay captain dito sa Buhi, Camarines Sur dahil laging ginagamit ang ambulansya sa mga personal nilang lakad ng pamilya niya. Kapag may emergency naman ay laging sira ang sinasabi nilang dahilan kapag may nanghihiram ng ambulansya.
Hihingi lang po ako ng tulong tungkol dito sa aming kalsada dahil ginagawa pong parking area ng mga padyak at motorsiklo sa may Lapu-lapu, Cebu.
Reklamo ko lang po na rito po sa health center namin sa Malvar, Marikina ay palaging walang doktor. Ilang buwan na po akong pabalik-balik at palaging walang doktor. Paano po magagamot ang mga bata kung laging ganyan sa center.
Ire-report ko po iyong kalsada sa may kahabaan ng San Isidro, Rodriguez, Rizal hanggang sa may Supermarket kasi po iyong kalsada at tulay ay sobrang lalim ng lubak. Ang hirap pong daanan dahil dito. Sana po ay mapaaksyunan ninyo.
Reklamo ko lang po ang nakabangga sa sasakyan ko sa South Luzon Expressway na mga pulis na naka-private vehicle. Nagpakilala lang sila as Comelec escort tapos bigla na lang umalis. Sa Comelec daw ako magreklamo.
Concerned citizen lang po, irereklamo ko lang po iyong peryahan dito sa tapat ng Pitogo High School sa Brgy. Pitogo, Makati City. Sobrang ingay po at umaabot hanggang 3:00 ng madaling-araw ang pag-o-operate. Bumabaho rin po sa paligid ng eskuwelahan dahil sa pader na umiihi ang mga manunugal sa perya.
Kung puwede n’yo po sana kaming tulungan dito sa aming barangay sa Sta. Rosa, Nueva Ecija dahil sobrang baho po ng babuyan sa tabi ng mga bahayan. Dito po ito sa Brgy. Cojungco. Salamat po.
Reklamo ko lang po ang talamak na pangongotong ng mga pulis at traffic enforcers dito sa kahabaan ng Road 10. Mula sa Zaragosa hanggang Capulong Street. Mula gabi hanggang madaling-araw po ang ginagawa nilang pangongotong.
Makinig at manood ng Wanted Sa Radyo 92.3 FM Radyo5 at Aksyon TV Channel 41, Luneshanggang Biyernes, 2:00-4:00 pm. Ito ay naka-simulcast din sa 101.9 FM sa Cebu at Davao. Sa Cagayan de Oro ito ay kasabay na napakikinggan din sa 101.5 FM at sa 97.5 FM naman sa General Santos City. Samantalang sa Bacolod City naman ay sa 102.3 FM.
Ang inyong lingkod ay mapanonood din sa Aksyon Sa Tanghali sa TV5, Lunes hanggang Biyernes, 11:30 am-12:00 nn.
Mapanonood din ang inyong lingkod sa T3: Alliance sa TV5 tuwing Linggo, 1:30 pm.
Para sa inyong mga sumbong, mag-text sa 0908-878-8536 at 0917-792-6833.
Shooting Range
Raffy Tulfo