SA TUWING malapit na ang Pasko, karamihan sa atin ay maaga pa lamang ay itinatayo na ang mga Christmas tree at nilalagyan ng mga decoration tulad ng Christmas light, Christmas balls, ang star sa tuktok, at iba pa. Nagsasabit na rin tayo ng mga parol kung saan ay napakamalikhain natin dahil ang iba ay gumagawa ng parol mula sa mga recycled na bagay tulad ng gawa sa plastic bottles, o kaya ay gawa sa plastik, ang iba naman ay gawa sa pinagtagpi-tagping CD. Ang ganda, ‘di ba? At naglalagay pa tayo ng iba’t iba pang magagandang dekorasyon.
Tulad sa ating mga bahay, sa mga lugar din gaya ng park o pampublikong lugar, kahit sa mga eskuwelahan o unibersidad ay naglalagay rin ng iba’t ibang Christmas decors na nag-a-attract sa mga tao kaya ito ay pinupuntahan. Ang ibang paaralan ay nagtatayo ng mga higanteng Christmas tree at kanilang paiilawin ito sabay-sabay kasama ang pagtitipon ng mga estudyante. Sikat din dito ang Paskuhan sa UST, kung saan makikita ang mga naggagandahang Christmas displays at mga fireworks.
Nandiyan din ang pinupuntahan ng mga tao, ang Greenhills, dahil sa taun-taong C.O.D. na kanilang ipinapakita rito, kung saan ay may isang short roleplay na maganda ang istorya at may aral na makukuha. Sa malapit dito ay may mga tiangge-tiangge rin na puwede kayong mamili ng gusto n’yo at mga panregalo n’yo.
Dinadayo rin dito ng maraming tao ang nagbibigay-liwanag, ang Meralco, kung saan ay may iba’t ibang Christmas display ito at puwede kayong mag-picture-picture kasama ang inyong mga mahal sa buhay, pamilya, o mga kaibigan. Tuwing sasapit ang gabi, 6 p.m., paiilawin na nila ang mga naka-display kung saan merong naggagandahang bahay, mga Christmas lights, meron ditong train kung saan puwedeng sumakay ang mga bata paikot sa malaking Christmas tree. Makikita rin natin dito ang malaking Belen, at mga malaking letra na nakalagay na “MALIGAYANG PASKO”. Meron din doong simbahan. May electric Jeep na puwede nating sakyan na magbibigay ng tour sa atin paikot sa Meralco at ihahatid tayo sa baba kung saan tila parang free ride sa basket ng truck, kung saan ay may malaki at magandang robot doon na tila ay parang Transformers at puwede naman tayong sumakay sa basket ng truck o ‘yung sinasakyan ng mga lineman ‘pag nag-aayos ng kuryente, kung saan ay may kataasan ito. Masayang experience dahil sa may mga araw na laging ginagawa ng lineman iyon ay nakakakaba pala.
Mayroon ding mga display sa Eastwood na may kasamang fireworks display rin na pinupuntahan ng mga tao. Isa rin dito ang Ayala Triangle Park kung saan ay naggagandahang display, at nagniningning o kumukuti-kutitap talaga na mga Christmas lights. Sa The Fort sa Taguig din ay may makikita tayong mga Chritmas displays tulad ng malaking regalo, malaking Christmas tree na sa gilid nito ay train na puno ng mga kunwari ay regalo at naggagandahang ding mga ilaw.
Ito ang mga ilang lugar na puwede nating puntahan at hindi lang ito, marami pang iba. Paskung-Pasko na talaga at talaga namang ibang klase ang Pasko sa Pinas.
Usapang Bagets
By Ralph Tulfo