LAGING NAPAPATUNAYAN sa showbiz ang kuwento na kapag umentra ka sa larangang ito ay parang suntok sa buwan kung sisikat ka ba o hindi para masabi mong suwerte kang talaga o luluha ka sa kabiguan. May kaugnayan iyan sa kuwento ng pag-aartista ng actor na itago natin sa pangalang Isagani Dizon. Mala-Adonis sa kakisigan si Isagani. Napakaguwapo niya, matangkad, makinis at maganda ang katawan na tsikang dakila ang hinaharap. Siya ‘yung tipong hindi namimili ng anggulo, dahil napakaganda ng rehistro niya sa TV or giant screen, kasi nga maamo sa kanya ang mga kamera.
Nakakaarte na rin naman si Isagani. Pero itanong n’yo naman kung bakit kahit halos nasa kanya na ang mga katangian ng isang artista para sumikat, ay hayun at hindi pa rin nagniningning ang kanyang popularidad samantalang kilala na ang kanyang pangalan? Susme! Ito palang si Isagani ay mahina ang loob, at umaapaw ang kabobohan. Para siyang laging bagong salta sa showbiz na kailangan pang palakasin ang loob para patunayan ang kanyang sarili.
Laging umaasa si Isagani sa suporta at pagpapalakas ng loob niya na magmumula sa ibang tao. Heto pa ang isa niyang kabobohan! Mabilis mabilog ang kanyang ulo ng mga nagkukunwaring bading, na tutulungan siyang umangat ang career. Mabait at mapagbigay siya sa mga bading. Nagpapakama na kaagad at ibinibigay ang kanyang katawan, kapalit ng inaasahan niyang tulong para siya mapasikat. Ang ending, laging gano’n: Pinapangakuan siya ng kasikatan at tinitikman sa kama. Pagkatapos ng tikiman, nawawala na ang mga bading at naiiwan si Isagani na nangangarap kung kailan ba talaga siya sisikat?
(By Melchor Bautista)