I STAND corrected sa isinulat namin last Monday about Paulo Avelino’s rude attitude as a presenter at the recent Golden Screen Awards for Television ng ENPRESS last Friday.
Paulo is co-managed by Star Magic and Leo Dominguez.
At the time na nag-alburoto siya at nagbitaw pa ng patama sa ENPRESS, he was accompanied by his road manager or production assistant from Dominguez’ office and not by a Star Magic staff.
Napag-alaman namin from previous experiences ng ilang showbiz writers, sa gayong mga pagkakataon, easy to deal with ang Star Magic. Hindi sila mahirap kausap ‘pag kailangan na may sumalo sa sitwasyon, but not under the management of Dominquez.
Napapag-usapan naman ang gayong mga simpleng sitwasyon na p’wede namang i-troubleshoot unlike what Paulo did na p’wede rin naman or hindi na lang sana nagbitaw ng maanghang na statement. Pinalampas na lang sana niya ang sitwasyon without hurting other people’s feelings.
As what I have written last week, kung ang isang bagay na ayaw niyang gawin ay napilitan lang siyang gawin for the love of the ENPRESS, sana mas mamahalin siya ng mga ito.
Nang maglabasan ang kaliwa’t kanan puna kay Paulo, ang manager niyang si Dominguez ay naglabas ng kanilang official statement that Paulo was just cracking a joke. Nagpapatawa lang na walang punchline. A big stupid alibi.
Ginagawa pa ni Dominquez pangtakip sa sitwasyon ang pagka-“Nathan” na karakter ni Paulo sa Walang Hanggan para pagtakpan ang alaga.
Sabi ni Jun Nardo, President ng ENPRESS: “Madaming members ang na-offend. Napanood pa ng ibang writers, kaya buwisit din sila. Hindi naman Supporting Actor sa Comedy award siya nanalo para sabihin ‘yun jokingly. How ungrateful.”
Kami mismo was surprised sa narinig namin na binitawan na salita ni Paulo.
I was offended. Ano sa tingin ni Paulo at Dominguez, stupid ako tulad nila na hindi sensitibo at idadahilan na biro lang ang lahat. No more alibi. Just say sorry na may sinseridad.
The public and the press needs their (Avelino and Dominguez) public apology na wala nang kasinungalingan at kung ano pang rason to cover-up Paulo’s stupid action and his manager’s stupid and insensitive defense.
As of presstime, may meeting ang EnPress para pag-usapan kung anong hakbang ang gagawin ng samahan sa ginawa ni Paulo sa kanilang Golden Screen Awards.
MUKHANG LOVE talaga ni Ai-Ai delas Alas ang boyfriend na si Jed Salang.
Both of them pinagbigyan ang sarili nila para ayusin ang gusot na namagitan sa kanilang relasyon.
During Boy Abunda’s interview sa The Buzz sa ko-medyante, ramdam mo kung gaano kalalim ang pagmamahal ni Ai-Ai sa boyfriend niya.
Kung ang mga anak niya at mahal sa buhay ay inin-tindi ang pagmamahal ni Ai-Ai kay Jed, bakit tayo na tagamasid lang ay hind hayaan na ipamalas ni Ai-Ai kung gaano niya kamahal si Jed.
Ai-Ai deserves to be happy. Siguro, hayaan na lang natin sila, basta ang mahalaga happy ang komedyante.
KAHIT TATAY na at may mga anak, marami pa rin ang nag-iilusyon kay Wendell Ramos.
Isa pa rin kasi siya sa mga pantasya ng mga girls at feeling girl dahil sa lakas ng sex appeal niya.
Kung sina Dingdong Dantes at Zanjoe Marudo ay nagpakita ng butt nila sa kanilang pelikula, si Wendell mas kering mag-show-off ng kanyang maumbok na puwet live in the flesh muli, ngayon na mas maganda ang hubog ng kanyang likuran.
Sa darating na Bench denim show, expect na mas daring si Wendell at hindi patatalo sa mas bata sa kanya.
Reyted K
By RK VillaCorta