HAD THE chance to do some TV surfing noong Miyerkules ng tanghali. As expected, naaaliw pa rin ako kay Ryzza Mae Dizon sa kanyang natural na pagpapatawa.
Sa totoo lang, mas magaling si Ryzza at mas mabilis sa kanyang repartee with her co-host sa Eat Bulaga kung ikukumpara mo si Aiza Seguerra sa kanya na noong nagsisimula pa si Aiza, mukhang delayed reaction ang sagot n Aiza noon.
Mas ‘di hamak na mas nakakatawa si Ryzza kaysa kay Jilllian Ward na sa tingin namin at obserbasyon, napaplastikan ako sa pilit nitong pagpapa-cute at pagiging smart which I think hindi naman.
Anyway, after may short stop-over sa Eat Bulaga, nag-change channel kami sa TV5 to watch Wowowillie. I don’t know kung seryoso si Willie Revillame that afternoon.
Mukhang pagod na si Willie sa halos araw-araw niyang show sa tanghali. Kaya nag-emote ang lolo mo na may malaki daw siyang ibabalita sa nalalapit na panahon.
Sinabi niya, hindi niya alam ang estado niya sa Kapatid Network kung magre-renew pa siya or ire-renew pa ng management ang kanyang contract.
Maging ang mga production staffs niya at mga dancers, sinabihan na maghanap-hanap na ng ibang trabaho in case may pagbabagong magaganap.
Is Willie trying to insinuate that he is retiring early at this time of his career na kahit papaano ay mainit pa rin naman? Sabi nga niya, puwede naman daw ibigay sa iba (the hosting job of the show).
Kung nagloloko lang ang komedyante-host or seryoso at isang foreshadowing ang statements n’yang ‘yun (he was in the mood at that time) sa kanyang fans. Malalaman natin sa nalalapit na panahon kung ano ang kanyang magiging desisyon.
Basta ang alam namin, humakot na ng bil-yones – hindi lang milyon ang show ni Willie at sapat na nga marahil na maisipan na niyang magpahinga ng ganito kaaga.
TILA HINDI alam ni Marion Aunor ang naging alitan ng kanyang ina na si Ms. Lala Aunor at ang tiyahin niyang si Nora Aunor.
Noong bumalik si Guy after almost eight years of absence from showbiz (at nagbalik-bayan ng Pilipinas) nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang mag-pinsan about Nora’s managerial and business relationship with the people kung sino ba talaga ang may hawak sa booking niya at magma-manage sa kanya.
Naririyan na for a while, ang pinsan na si Lala ang nag-manage sa kanya. ‘And’yan na umeksena rin si German Moreno na tuloy nakalilito hanggang sa nauwi pa rin ang lahat that no one can manage Nora except herself. Maging si Boy Abunda nga na isa sa mga magagaling na talent manager ng bansa, can’t afford to handle Nora.
Anyway at a recent chit-chat with Marion, inamin niya na hindi siya close sa Tita Nora niya. “I met her in some occasions. Sa US kasi siya naka-base,” kuwento niya sa amin.
Hindi man siya ganu’n ka-close sa tiyahin niya, hanga si Marion sa galling ng tiyahin. Mula sa pagkanta at sa pag-arte nito, diyahe para kay Marion na makipagsabayan sa galing ng tiyahin.
After winning third place sa nakaraang Himig Handog P-Pop Love Song Competition ng Star Records for her composition na If You Ever Change Your Mind na siya rin ang nag-interpret, napansin siya ng publiko.
Marion is a born artist. She composes songs (in English) and sings her composition. She has the depth of a Nora Jones and Alanis Morisette na kami rin ay biglang naging instant fan niya.
Last Holy Week she was in the Middle East together with Jodi Sta. Maria and Richard Yap for two concerts in Dubai and Abu Dhabi para sa Be Careful With My Heart World Tour.
This month, her maiden album will be launch by Star Records kung saan under contract siya.
Last question na naitanong pala namin kay Marion: Do you smoke and drink brandy? “I don’t,” maikli niyang sagot.
Tama, hindi nga niya ganu’n kakilala si Tita Nora niya.
Reyted K
By RK VillaCorta