TILA NAPAPADALAS ANG pagkakasakit ni Claudine Barretto ngayon.
A few months ago, namaga ang kanyang mukha sanhi yata ng impeksiyon. Kitang-kita nga sa TV ang pamamaga ng kanyang face, pero nanatili pa rin siyang maganda.
Ang huli naming balita, muling naospital si Claudine pero hindi namin nalaman kung bakit. Nabasa na lang namin sa Twitter niya na naospital siya.
Ang nalaman namin ay ang doctor na sumuri kay Claudine – si Dr. Jovencio Cuanang, Head ng St. Luke’s neurodevelopmental center.
Hindi kaya masyadong depressed ngayon si Claudine kaya siya nagpagamot?
MUKHANG LUMALAKI NA ang ulo ni Andi Eigenmann.
Nasagap kasi namin na nagmamaldita na raw ito sa production staff ng kanyang TV show. Feeling big star na raw ito kung umasta.
May isang instance na tinarayan daw nito ang isang production assistant habang sila ay nagte-taping. Tumili raw ang dalaga ng ipaalala sa kanya na kailangan na niyang mag-reading para sa kukunang eksena.
At hindi lang pala sa production madalas magtaray ang hitad. Maging sa kanyang handlers ay nagsusungit rin ito.
Kaya naman siya raw ang may korona ngayon sa Star Magic bilang talent na may pinakaraming beses na nagpalit ng handlers. Hindi kasi siya makasundo ng kanyang handler.
Madalas ay sumusuko ang mga ito dahil sa kanyang kamalditahan.
Isa pa, nakakuwentuhan raw nito ang isang aktres. Naglitanya raw ang Andi ng ganito sa kanyang kausap, “Kung nasa GMA-7 ako ngayon, siguro milyonaryo na ako”.
Me gano’ng drama si Andi? Nalunod na ba siya sa isang basong tubig?
KAKALOKA ITONG SI Sam Milby. Hindi pala niya type ang Pasko sa ating bansa. Mainit daw kasi rito tuwing sasapit ang Christmas.
Sabi niya, “It was hot here. It felt awkward kasi, actually, tuwing Pasko rito sa Pilipinas it doesn’t feel like Christmas to me dahil mainit. And I know it’s a lot different here. It starts early here. Pero for me, I’m so sanay sa lamig. Malamig talaga ‘pag Christmas sa US. It feels like anytime of the year for me,” esplika ng Fil-Am actor-singer sa launching niya bilang isa sa mga endorsers ng Blue Water Day Spa kamakailan.
Ikinuwento ni Sam kung paano sila mag-celebrate ng Pasko sa US. “Dati pa nagde-decorate kami ng bahay, we’d go to different places. Na ‘yung villages, sobrang decorated lahat ‘yung mga houses nila. Siyempre, malamig doon. And I’m with my family which is nice.”
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas