FIRST TIME yatang kumuha ng driver’s licence ang isang aktres, kaya bilang isang law-abiding citizen, kahit kilala na siya, she still went through the normal process.
Siyempre, merong driving test. Pasado siya.
Meron ding written exam, pasado rin siya.
Pero ‘eto na ang nakakalokahng part, sa drug test na hindi naman nangangailangan ng review ay kumbakit dito pa siya hindi pumasa.
Basic lang ang drug testing. Ihi lang ang kailangan. Kaso, positive siya sa drug test.
Pero teka, baka nagkamali lang. Nagkaroon uli ng drug test. At ‘eto na, unfortunately, malungkot na balita – positive pa rin ang resulta.
Dahil sa kagustuhang makakuha ng lisensiya, hiningi na nito ang tulong ng isang “maimpluwensiyang personalidad” (MP) sa gobyerno.
Tumalak pa nga nang slight si MP at sinabi sa aktres na sana tinawagan na lang siya nito nu’ng una para non-appearance na lang ang drama niya at para hindi na rin siya nagka-record na nag-positive siya sa droga.
Pero dahil kaibigan ni MP si Aktres, tinawagan nito ang isang “malakas” sa LTO at pinaisyuhan ng lisensiya ang aktres na dalawang beses nang bumagsak sa drug test.
Kung anumang uri ng droga ang nagpahamak sa resulta ng drug test ng magandang aktres ay hindi namin alam, pero noon pa ay kung anu-ano na ang nababalitang tine-take nito: pampakalma, pampatulog, pampa-active.
Disclaimer: Ito’y ikinuwento lang sa amin at hindi nangangahulugan na pinaniniwalaan na namin. Sana nga ay hindi ito totoo. Pero paano kung ito ay totoo?
Sa una ay iisipin mong mabuting kaibigan si MP, dahil sinalo nito sa kahihiyan ang kaibigang aktres na for sure, ikina-touch nang husto ni Aktres.
Ngayong may lisensiya na si Aktres, makakapagmaneho na ito. Fine. Pero paano kung naka-droga ito at sa pagmamaneho’y maaksidente?
Dalawang bagay ‘yan: pwedeng mabuhay pa rin dahil nasugatan lang, pero posible ring ikamatay ng aktres.
Oo, nasa huli ang pagsisisi, pero ngayong hindi pa nangyayari ang kinatatakutan natin, sana ay ngayon pa lang, magsisi na ang magsisi. Pero in the first place, sino nga ba ang dapat sisihin?
Hay nako…. Pakikamot nga ang likod ko.
(By Ogie Diaz)