MASYADONG INSECURE ITONG mga fans ni Sarah Geronimo sa bagong achievement ni Cristine Reyes.
Hindi yata matanggap ng mga tagahanga ni Sarah na naungusan na ng kinita ng movie ni Cristine ang kinita ng pelikula ng kanilang idol.
Sa Twitter ay panay raw ang patutsada ng Sarah fans na kesyo hindi naman daw talaga box-office ang No Other Woman nina Cristine, Anne Curtis at Derek Ramsay. Kesyo tsamba lang daw ito. Whatever, hindi puwedeng ikaila na ito ang highest grossing Filipino film of all time dahil more than P240 million na ang gross nito.
Ang nakakatawa sa fans ni Sarah, hindi sila marunong tumanggap ng pagkatalo. Walang movie si Sarah na nag-gross ng P200 million kaya sana magtigil na ang mga fans na naiinggit kay Cristine.
HOW TRUE NA one million per taping ang offer ng TV5 kay John Lloyd Cruz makuha lamang nila ito?
Nalaman daw kasi ng taga-Singko na half a million per taping day na raw ang actor kaya naman dinoble raw nila ito. Ayun, bigla raw tuloy napaisip ang kampo ni John Lloyd kung tatanggapin ang offer o hindi. What’s at stake kasi is a big sum of money at baka hindi na maulit ang ganoong offer.
Anyway, may counter-offer din daw ang Dos kay John Lloyd. Ewan nga lang kung kasing-laki rin ito ng offer ng TV5.
With this, masasabing hottest male celebrity talaga si Papa Lloydie.
TULOY NA THIS week ang contract signing ni Nora Aunor sa TV5. Ito ang in-assure ni Atty. Ray Espinosa, president and CEO of the network.
Sa text message na ipinorward ni Jobert Sucaldito sa amin na galing mismo kay Ate Guy, sinabi ni Atty. Espinosa na tuloy ang contract signing next week.
“Naku Guy, huwag kang maniwala sa kanila. Ako ang kausap at hindi kita lolokohin sa bagay na ‘yan. Kaya huwag ka na mag-worry, hayaan mo na lang sila magsalita. Obviously, marami ang naiiinggit sa iyo kaya kung anu-ano na lang ang intrigang pinaggagawa nila,” sabi ni Atty. Espinosa sa kanyang text message kay Nora.
Ito pa ang isang text message ni Atty. Espinosa kay Ate Guy na nagsasabing not true na nagdadalawang-isip silang papirmahin ng kontrata si Nora.
“Hi Guy. Kakabasa ko lang ng mga artikulo sa ilang tabloid na nagsasabing baka nagbabago na ang isip ng TV5 sa pagkuha sa iyo at sa paglagda ng 3-year contract. Pawang walang katotohanan ang mga artikulong ‘yan. Ang hindi nila alam ay na-postpone lang ang pirmahan natin dahil nagkasakit ka at nangailangan kang magpahinga. Next week ang schedule ng pirmahan natin. Huwag mong pansinin ang mga intriga. Ako mismo ang kausap mo. Ingat ka lagi.”
Ayan, Nora detractors, hindi na naman kayo nagwagi sa inyong maling espekulasyon.
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas