TAHIMIK ngayon ang mundo ni Zanjoe Marudo. Ma-sikreto huh!’
Pero hindi maiiwasan na merong makakapag-tsismis tungkol sa mga kaganapan sa buhay niya ngayon.
After nila maghiwalay ni Bea Alonzo (na walang nakakaalam kung ano ang dahilan) at ilang pagkakataon na nag-soul searching ang binata, tila nakangiti na ang puso ni Z (palayaw niya) dahil at last natagpuan na yata niya ang perfect girl na aalagaan ng binata sa kanyang puso na matagal-tagal na rin naman nakabakante after Bea.
Yes, she’s no less than sa katauhan ni Josie Prendergast, the beautiful model and surfer na naka-based sa Siargao (yes, the island na kilala sa surfing in Surigao in Mindanao).
Mukhang love ni Z si Josie para mag-effort siya bumiyahe ng Siargao to celebrate the girl’s birthday.
Yes, naka-move-on na nga si Z mula sa lovelife niya kina Angel Locsin at Bea Alonzo.
Reyted K
By RK Villacorta