Nais Maghain ng Legal Separation

Dear Atty. Acosta,

 

NAIS KONG maghain ng legal separation laban sa asawa ko na ngayon ay nasa bansang Saudi. Wala kaming anak bagama’t labing-isang taon kaming kasal. Isang taon na kaming walang ugnayan at hindi na rin siya nagpapadala ng pera sa akin. Nais ko rin sanang ibalik na ang apelyido ko sa pagkadalaga, magsimula ng panibagong buhay at makapag-asawang muli, ngunit nag-aalangan ako dahil gamit ko pa rin ang apelyido ng asawa ko. Posible po ba ang mga nais kong mangyari? Maghihintay po ako sa inyong tugon. Salamat po.

 

Net

 

Dear Net,

 

ANG PAKIKIPAGHIWALAY ng isang maybahay sa kanyang asawa ay daang hindi madaling tahakin. Kung kaya’t makabubuti na pagdesisyunan mong maigi kung handa ka na para rito. Magkagayun pa man, tatalakayin na rin namin ang mga alituntunin kaugnay ng itinatanong mo ukol sa legal separation. Upang makapagsampa ng kaukulang petisyon, mahalaga na mayroon kang legal na batayan at ito ay alinman sa mga sumusunod: “(1) Repeated physical violence or grossly abusive conduct directed against the petitioner, a common child, or a child of the petitioner; (2) Physical violence or moral pressure to compel the petitioner to change religious or political affiliation; (3) Attempt of respondent to corrupt or induce the petitioner, a common child, or a child of the petitioner, to engage in prostitution, or connivance in such corruption or inducement; (4) Final judgment sentencing the respondent to imprisonment of more than six years, even if pardoned; 5) Drug addiction or habitual alcoholism of the respondent; (6) Lesbianism or homosexuality of the respondent; (7) Contracting by the respondent of a subsequent bigamous marriage, whether in the Philippines or abroad; (8) Sexual infidelity or perversion; (9) Attempt by the respondent against the life of the petitioner; or (10) Abandonment of petitioner by respondent without justifiable cause for more than one year.” (Artikulo 55, Family Code of the Philippines)

Sa inyong sitwasyon, hindi natin masasabi na ang pagkawala ninyo ng ugnayan ay katumbas ng “abandonment” na nakasaad sa batas. Maliban sa pang-iiwan, dapat ay mayroong intensyon ang iyong asawa na hindi ka na balikan at talikuran na rin ang kanyang responsibilidad sa iyo. Upang pumasok rin sa pang-sampung batayan ng pakikipaghiwalay ay kailangan na higit sa isang taon ang kanyang pagpapabaya sa iyo at dapat ay wala siyang sapat na dahilan upang gawin ito sa iyo. Ipinapaalala namin na hindi agarang ipinagkakaloob ng hukuman ang pakikipaghiwalay. Ito ay dadaan sa masusing panunuri ng hukuman. Nais din naming bigyang-diin na kahit maipagkaloob ng hukuman ang inyong legal separation, hindi mo maaaring baguhin ang iyong apelyido. Batay sa Artikulo 372 ng Civil Code, “When the legal separation has been granted, the wife shall continue using her name and surname employed before the legal separation”. Hindi ka rin maaaring makapangasawang muli. Ayon sa Artikulo 63 ng Family Code, “(1) The spouses shall be entitled to live separately from each other, but the marriage bonds shall not be severed; x x x” Kung kaya’t mananatili pa rin kayong kasal at kung ikaw ay mag-aasawang muli ay maaari kang maharap sa kasong kriminal na adultery.

Atorni First
By Atty. Persida Acosta

Previous articlePasalubong ng 2015: Mga araw na walang pasok ngayong bagong taon
Next articleNaka-diaper na enforcer?!

No posts to display