NASA BANSA na muli ang aktres na si Bianca King mula sa 3 months vacation sa Canada para bisitahin ang dalawa sa kanyang mahal sa buhay na parehong may sakit. Balita nga ni Bianca na masaya siyang bumalik sa bansa dahil pareho nang maayos ang kalagayan ng mga ito.
Successful ang quadruple bypass ng kanyang ama sa Canada at ang lola naman niyang may cancer sa America ay stable na ang kalagayan ngayon. At sa kanyang pagbabalik, balik-trabaho na kaagad si Bianca bilang pinakabagong endorser ng Planet Sports.
Tamang-tama lang naman siyang kunin ng Planet Sports dahil super sexy na siya ngayon. Nag-fashion show pa siya na naka-two piece. Ang pambaba ay jogging pants at ang pang pantaas niya ay blouse na litaw ang pusod niya. Tamang-tamang outfit kapag nagdya-jogging o nasa gym. Kita namin ang abs ni Bianca na talagang pinaghirapan ng actress.
At kahit nga raw zero ang lovelife, hindi raw ito iniinda ni Bianca at ini-enjoy lang ang pagiging single at mas nakatuon daw ang kanyang pansin sa trabaho. Ayaw nga raw nitong magkomento sa isyu ng kanyang ex-BF na si Dennis Trillo na nauugnay na naman kay Cristine Reyes dahil matagal na raw siyang naka-move on.
PAGKATAPOS MAGING runner-up sa last season ng American Idol ng ating pambatong si Jessica Sanchez na nag-concert sa Araneta Coliseum noong Valentine’s Day, tatlong Fil-Am na naman ang masuwerteng pumasok sa Top 40 ng bagong season ng American Idol.
Sila ay sina Bryant Tadeo, Adriana Latonio at Bridget Hermano. Marami nga ang mga kababayan natin around the globe ang umaasa na kakatigan din ng suwerte ang isa man lamang sa kanila para pumasok sa Top 4 ng AI at makopo ang titulong American Idol ngayong season.
If ever nga raw na mapapabilang sa Top 14 ang isa man kina Tadeo, Adriana at Bridget ay malaking hamon sa kanila ang lagpasan o pantayan man lamang ang nakuha ni Jessica Sanchez. Pero palaban naman ang tatlo at parehong may determinasyong makopo ang American Idol title.
This season, ang bagong set ng American Idol judges ay binubuo nina Randy Jackson, Mariah Carey and Nicki Minaj replacing Jennifer Lopez and Steve Tyler from last year.
DAHIL SA unti-unting pagsikat sa Internet at binansagang Internet Sensation at Twitter Cuties, sunud-sunod din ang pagdagsa ng offers sa isa sa tinitiliang boyband sa bansa, ang UPGRADE, na kinabibilangan nina Kcee, Miggy, Raymond, Armond , Rhem, Mark at Ron.
Kung saan bukod sa dami ng shows, mabenta na rin silang dndorsers. Isa sila sa bagong endorsers ng Mario D` Boro, Artista Salon at Hammerhead Apparel. Dagdag pa riyan ang katatanggap pa lang nilang award for 33rd People’s Choice Award bilang Internet Sensation/ Outstanding Boyband of the Year 2013 at kaliwa’t kanang TV guestings sa shows ng Kapuso Network.
Balita pa namin, dalawang major recording company ang nagnanais ikontrata ang grupo para mag-record ng album at pinagpipilian na lang ng namamahala sa career ng grupo kung saan patataling recording company.
Kaya naman sa mga gustong mapanood ang UPGRADE sa kanilang shows, nasa Roosevelt College sila sa Feb. 22, 10 a.m.; Feb. 23, 8 p.m., Amoranto Theater for Informatics International College; March 3, 4 p.m., Starmall San Jose; March 10, 4 p.m.; Starmall Edsa/Shaw; March 14, 1 p.m.; University of the East Manila; March 15, 4 p.m., Perpetual Help College of Manila; at March 17, 4 p.m., Starmall Alabang.
John’s Point
by John Fontanilla