Nakababangungot

WAG NAMAN GANYANG biro, Sec. Ronald Llamas. Si Kris Aquino, ambassador of goodwill sa UN?

Nakababangungot! Mga kantiyaw ng ‘di ilang salbaheng mamamahayag sa balita ni Llamas. Bakit naman hindi? Depensa ko kay Kris. Veteran actress, TV personality at anak ng dalawang bayani ng bayan. Bukod dito, kapatid ni P-Noy. Tatabo tayo sa paghanga ng buong mundo.

Subalit may napansin ako. ‘Di pinatulan ng media ang balita. Ako lang yata ang may follow-up story. Bakit kaya? Dahil ba talagang laos na si Kris? O labis nang inis ang madla? Mahiwaga ang dahilan.

May isa pang gumigiling na balita. Tatakbo bilang gobernador ng Tarlac si Kris sa 2012. Aba,maaring may katotohanan. At siguradong panalo. Subalit bakit ‘di pa sa Senado siya tumakbo at magtabi sila ng upuan ni Sen. Lapid at Revilla. Perfect showbiz combination. Ay, naku! Nakababangungot.

DAPAT ‘DI NA pinatulan ni BOC Commissioner Raffy Biazon ang mga tinaguriang “medyas” na nagkalat sa loob ng ahensya. “Medyas” ay shortcut sa “fake media”. Mas mabuti sana, isang assistant na lang ang tumawag pansin. Nakakalungkot na ang pagsugpo sa mga “medyas” ay unang marching order niya. ‘Di ba dapat pagsugpo sa smugglers ang prayoridad? Subalit learning period pa ang bagong commissioner. Malamang abutin ito ng anim na buwan. Maaga pa para husgahan. Hindi ako optimistic.

SAMUT-SAMOT

MAY MGA GOOD Samaritans na kayang nakatulong kay Pepe Pimentel? Huling balita, ang diabetikong dating tanyag na TV host ay nagpapalimos ng kakanin bahay-bahay sa Quezon City. Kung anong kadahilanan, itinakwil siya ng pamilya at mga anak. Sana’y may magmagandang-loob.

HUMANITARIAN GESTURE ANG pinamalas ng mga mambabatas sa pagsuhestyon na mag-medical treatment sa abroad si dating Pangulong GMA sa kanyang lalong lumalalang sakit sa neck spine. Si Sen. Ping Lacson at Jinggoy Estrada – pangunahing kritiko ni GMA ang nagpasimuno. Nakakaawa ang sinapit ng dating pangulo. Damay rin ang kanyang kabiyak at mambabatas na bayaw na si Iggy Arroyo. Mag-asawang Arroyo ay nahaharap din sa kasong Tax Evasion. Masaklap!

Mahirap magalit ang langit. Walang kasamaang nagtatagumpay. Isa lang dapat ang panuntunan sa buhay: Gumawa ng mabuti na laging may kapalit na kabutihan.

Sana lang, ang mga Arroyo ay matutong magpakumbaba. Huwag nang palaban. Payuhan ang kanilang spokesperson, Raul Lambino. Talagang ganyan. Sabi nga ni Erap, weather-weather lang – or what goes around must come around. Kaya huwag maging palalo sa kapangyarihan. Lahat ay may katapusan.

BAKIT ANG KABAKLAAN ang tila focus ng maraming programa ng Channel 2? Nangunguna si Vice Ganda. Ano ang nakakatawa sa kanya? Anong value formation sa mga TV viewers ang naidudulot ng shows?

SOBRA NAMAN KA-LOW profile si Executive Secretary Jojo Ochoa. ‘Di ito nagdudulot ng kabutihan kay P-Noy. Dapat tumulong sa pagpo-promote ng policies at advocacies ang administrasyon. Sunog na sunog na si Spokesman Edwin Lacierda. Pati mga miyembro ng gabinete ay tinatawagan ang pansin. They should speak out for the administration. Ang kilala lang na gabinete ay si DoJ Sec. Leila De lima.

ISANG BIG DISAPPOINTMENT si DILG Secretary Jesse Robredo. Wala palang ibubuga despite his superlative credentials. Nu’ng kasagsagan ng kalamidad, nasaan ang DILG at si Robredo? Natutulog sa kangkungan. Mag-dadalawang taon na subalit wala pa ring changes at reforms sa ahensya. Hoy, gising!

SA SUSUNOD NA buwan, biyahe naman ang Pangulong Noy sa Hawaii at Indonesia. ‘Di pa alam ang mga detal-ye. Balita pang foreign trips bago matapos ang taon. At sa Enero 2012, tulak naman sa Europe at Middle East.

Quote of the Week

WISE GUY

There is a story I heard about a tourist in the Holy Land who wanted to have his picture taken on top of a camel. “It’s free,” said the camel owner, and up the tourist went in glee. But when the tourist wanted to go down, the camel owner said, “That would be 2 dollars.”

“But you said it’s free!” the tourist remonstrated.

“Yes, riding the camel is free, but getting down from the camel, that’s 2 dollars you have to pay,” said the camel owner.

Now, that’s what I’d call talent of the first degree!

A MOMENT WITH THE LORD

Lord, help me not to abuse the talents You have given me. Amen.

PITIK-BULAG
By Ike C. Gutierrez

Previous articleBangsamoro military academy at sugal sa Pasay
Next articleHatian sa ari-arian

No posts to display