PINO-PROCESS NA po ng ahensya ko ang papeles ko patu-ngong Saudi. Pero nabasa ko po sa dyaryo na baka raw i-ban ang pagpapadala ng DH doon. Ito raw po ang rekomendasyon ng Kongreso. Ano po ang totoo? — Divina ng Tuao, Cagayan
SA REKOMENDASYON ni Rep. Walden Bello, Chairman ng Committee on OFW sa Kongreso, dapat nang ipagbawal ang pagpapadala ng domestic workers sa Saudi dahil laganap daw roon ang pagmaltrato sa kanila. Sa kasalukuyan kasi ay may isinasagawang proseso ng certification sa lahat ng bansa na may OFW. Kapag matuklasan na hindi maganda ang kalagayan ng mga kababayan natin sa ilang bansa, hindi ise-certify ang mga ito na bansang maaayos ang kalagayan para sa mga Pinoy. Kaya ‘di na tayo puwedeng magpadala ng mga manggagawa sa nasabing mga bansa.
Sa isang banda, ipinahayag naman ni Vice-President Jojo Binay, Presidential Adviser on OFW Affairs, na ang mga inaabusong OFW sa Middle East ay maliit na porsiyento lamang ng kabuuang bilang ng mga OFW roon.
Isa pang tanong: nakasama ba ang Saudi sa listahan ng mga bansa na “certified” ng DFA na ligtas na destinasyon para sa mga OFW?
Kailangang magbigay na ng final na paglilinaw at paninindigan ang DFA tungkol sa isyung ito. Tandaan natin na ang Saudi pa rin ang pinakamalaking market para sa mga OFW natin.
LIBRENG PAYO! I-TEXT N’YO AT SASAGUTIN KO! PM <space> saklolaw <space> ang inyong katanungan at i-send sa 2948 (for Globe, Smart and Sun users). E-mail: [email protected].
Ayuda sa OFW
By Ome Candazo