OLA CHIKKA na naman tayo to the maximum authority of chikka! Nakakabuwang sa Earth ang mga chikka ng inyong Tita Swarding, kaya umpisahan na natin.
Ipinarating kasi sa akin ng aking mga girlalu na um-attend ng Golden Screen Awards ng EnPress, ang counterpart ng PMPC, kasi lahat sila magkakasama sa hanap-buhay bilang movie writers na nambastos na naman ang mga Noranians sa pagtanggap ni Marian ng EnPress Outstanding Actress in a Drama Series para sa mahusay niyang pagkakaganap sa Amaya ng GMA-7.
Naloka ang mga nanood kasi nakatanggap ng ‘boooo’ si Marian at nagtayuan daw ang mga Noranians sabay walkout. Nagtataka raw sila kung ano talaga ang dahilan? Dahil natalo si Nora Aunor or dahil si Marian ay guest sa pelikula ni Vilma Santos na isang indie film, ang Ekstra, kung saan sinabi raw ni Marian na ngayon naramdaman na niya na siya ay isang tunay nang artista, dahil kahit ilang eksena lang sa pelikulang Ekstra ay nakaeksena na niya ang Star For All Seasons na si Ate Vi. At matagal na niya itong minimithi.
Sabi nga niya, ‘dream come true’ daw na nakasama niya si Ate Vi, kaya siguro nag-arangulya na naman ang mga Noranians. Kasi halos lahat ng mga sumisikat ngayong artista, si Ate Vi ang gustong makasama, isama na natin si Kim Chiu at marami pang iba na gustong makasama si Ate Vi. Parang sinabi na nila na walang gustong sumama kay Nora.
Pero sabi naman ng ilang malalapit pa ring Noranians sa akin, kaya raw takot silang makasama ng kanilang Superstar, kasi baka lamunin lang sila ni Nora sa mga eksena sa kahusayan nito sa pag-arte. May katuwiran, ‘di ba?
Anyway, kung si Marian daw sabik na sabik na makasama si Ate Vi, pero itong si Piolo Pascual, inindyan daw ang shooting nila ni Ate Vi sa hindi malamang dahilan.
Maraming nagsasabi na sa pelikulang ito ni Ate Vi ay hahakot daw ito ng mara-ming awards dito sa ating bansa sa lahat ng award-giving bodies maging sa international, kasi talagang binusisi ito ng kanilang direktor na si Jeffrey Jeturian. Tumatak daw kay Marian ang eksenang pinagsilbihan siya ng isang basong tubig ni Ate Vi at nang mag-offcam sila ni Ate Vi, hindi niya malilimutan, lalo na nu’ng dumating siya sa set na halos nanliit daw siya. Kasi si Ate Vi ang unang lumapit sa kanya at ang sabi, ‘Hi, Marian! Thank you sa pag-guest mo.’
Thank you raw nang thank you si Ate Vi kay Marian at doon daw niya naramdaman na artista na talaga siya.
BALIKAN NAMAN natin si Nora Aunor. Matutuwa siguro ang mga Noranians kung sabihin kong dumating na si Nora nu’ng isang araw. Mga tatlong linggo siyang namalagi sa America para ayusin ang pagre-renew ng kanyang green card at ang pagpapa-opera ng kanyang lalamunan, pero hindi pa alam kung nakapagpa-opera nga ang Superstar.
Isa pang ikatutuwa ng mga Noranians, kasi magbabalik siya sa Never Say Goodbye, na kahit pinatay na siya sa eksena, magagawan pa rin ‘yan ng paraan ng direktor. Alam mo naman dito sa atin, kapag pasaway ang artista at magkakaroon ng problema sa production, ayon tsugi ka. Pero sa kaso ni Nora dahil siya ay kahit papa’no ‘pag kasama pa rin siya, talagang makatutulong pa rin sa kabuuan ng teleserye. Kaya tuloy ang ligaya ng mga Noranians.
Kaya lang, bigo na naman ang kanyang mga tagahanga kung hindi pa nakapagpa-opera ang kanilang idolo. Kasi sa tatlong linggo, malamang hindi pa siya naoperahan. Kaya hindi pa rin maririnig ang kanyang gintong tinig.
Sabi ng kolumnistang si Pilar Mateo, may pumalit na sa gintong tinig ni Nora sa kanyang pamangkin na anak ng kanyang pinsang si Maribel Aunor. Ito si Marrion Aunor, ang isa sa nanalo nu’ng nakaraang P-Pop Love Songs.
Congratulations, Marrion Aunor! Isa na namang Aunor ang hahangaan ng madlang pipol.
Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding