TAPOS NA ang Pista ng Pelikulang Pilipino. Ayon sa ulat, ang tatlo sa mga pelikulang kalahok ay may extended run sa mga sinehan. Ang mga masuwerteng pelikula ay ang Patay na si Hesus, Bar Boys at ang 100 Tula Para Kay Stella, na in five days ay kumita ng 60 Million pesos and still counting!
Imbes na matuwa sa grasyang natanggap dahil sa lakas ng pelikula niya, ’tila mas pinili ng direktor ng pelikula na si Jason Paul Laxamana ang pagpatol sa mga taong nakulangan sa pelikula niya.
Nakakapagtaka lang dahil karamihan sa mga tweets ay constructive naman ang pagkakasulat at ni hindi nga siya tinatag. Pati ang mga lead stars ng pelikula na sina Bela Padilla at JC Santos na mas tinatag ng mga nakanood ay umiiwas na sumagot sa mga tweets na may criticisms at pino-promote na lang ang mga positive feedbacks dahil sa totoo lang, mas marami naman ang nakarelate sa pelikula kahit pa ayon sa iba ay may ‘loopholes’ ito.
Dahil sa pagiging taklesa ni Direk Jason Paul, marami tuloy sa mga nagbabalak na manood ang mas pinili na lang na suportahan ang mga ibang pelikulang kalahok sa PPP dahil nabadtrip sila sa inasal niya. Ang latest nga ay may pinaringgan ito sa Twitter na isa rin writer at sinabihan pa niya na ‘O edi pagandahan tayo ng career. Let’s see whose way works better.’
So far, marami naman nagawang entertaining films ang Kapampangan filmmaker. Isa siya sa very few na kayang mag-crossover from indie (Babagwa, Instalado, Magkakabaung) to mainstream (Love is Blind, The Third Party, Pwera Usog). Dapat at this point ay kaya na nitong tumanggap ng criticisms. Maaaring pakiramdam niya ay marami na siyang nagawang pelikula na may kwenta kaya hindi siya puwedeng i-criticize ng mga ordinaryong manonood.
Tingnan natin kung malaki ang magiging epekto ng pagiging patola ni direk. Ano kaya ang masesey ng mga bidang sina Bela Padilla at JC Santos dito? Padala na ng 100 Tweets Para Kay Direk! Chos!